Kinilig ang maraming netizens sa naging reunion nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All-Out Sundays.
Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kung saan sila ang tinanghal na First Prince and First Princess.
Ngayon ay may sarili nang pamilya ang dalawa at marami ang natuwang makita silang magkasama ulit.
“Ang tagal na panahon na rin po kasi. Kinasal na po siya, na hindi pa ako nakapunta sa kasal, nagka-baby na siya, tapos ang dami nang nangyari sa buhay niya.”
Ilan sa TV show na pinagsamahan ng Yasmien-Rainier loveteam ay SOP Gigsters, Joyride, Click, Hokus Pokus, Tasya Pantasya, Love To Love, at Bakekang.
Maraming nagre-request na magsama ulit ang dalawa sa isang teleserye. Pero abala si Rainier sa pamilya at mga negosyo nito kaya pass daw muna ito sa pag-arte.
Si Yasmien naman ay paghahanda sa kanyang bagong GMA series na Las Hermanas kasama sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, Jason Abalos at Albert Martinez.
Rovilson, sumali sa protesta!
Wala pa pala sa Pilipinas ang TV host na si Rovilson Fernandez. Nasa Amerika pa ito at sa latest post nito sa Instagram, nakiisa ito sa naging protest march ng maraming Asian-Americans sa Oakland, California para sa #StopAsianHate movement. “Taking it to the streets. Last time I marched/protested on the streets was Edsa Revolution 2 in Manila (2001), so you know this topic got me heated. You must understand that Asian cultures across the board have extreme reverence for our elders, so when you attack them, you best believe you attack us all. Nothing but love and respect for our immigrants (and elders) before us who helped build this country and pave the way for me, for you, for us. Ain’t gonna lie, felt so good standing side by side with my Asian brothers and sisters and feeling that righteous energy,” post niya.
Filipino-American si Rovilson na pinanganak to Filipino parents sa San Francisco, California. Host si Rovilson ng Ang Pinaka na nagtapos na pagtapos na gawing GTV ang dating GMA News TV.
Nagpakita rin ng suporta sa #StopAsianHate movement sina Manny Pacquiao, Angel Locsin at KC Concepcion ganundi ang ilang Fil-Americans in Hollywood tulad nina Darren Criss, Vanessa Hudgens, Shay Mitchell, Nicole Scherzinger at Jo Koy.
Reunion ng Friends, wala nang atrasan
All systems go na sa reunion special ng Friends sa HBO Max. Magsisimula na raw mag-shoot ang cast ng Friends na si Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matthew Perry, Matt LeBlanc and David Schwimmer sa Los Angeles.
HBO Max ang producer ng highly anticipated reunion na ito na tinanghal na isa sa “best sitcoms of all time.”
Kaugnay sa 25th anniversary ng Friends ang reunion special na dapat ay noong May 2020 pa dapat pinalabas. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, na-move nang ilang beses ang shooting ng reunion special.