Seventeen years na palang married si Assunta de Rossi kay former Congressman Jules Ledesma. Kahapon ay nag-post siya ng wedding photo niya na may caption na “17 years ago.”
Sabi pa ng bagong anak na actress, “I’ve been with you half of my life. #19.”
Ganun kabata si Assunta nang pakasal sa dating pulitiko na isa ring haciendero.
Papa-boom pa lang ang career ni Assunta noon nang magpakasal sa Congressman noon ng Negros Occidental.
Bago ang kanilang grand wedding ay kinasal muna sina Jules and Assunta sa isang civil ceremony.
Since bata nga noon si Assunta at balo naman ang pulitiko noon, maraming humula na hindi magtatagal ang kanilang relasyon.
Pero heto at matibay ang kanilang pagsasama kasama ang first baby nilang si Fiore na pinanganak last October.
‘Good News,’ naka-isang dekada na
Ngayong Lunes (March 15), bilang pagdiriwang ng ika-10 taon ng nakaka-good vibes na public affairs show na Good News, samahan ang host nitong si Vicky Morales kasama sina Maey Bautista, Love Añover, and Bea Binene sa isang summer outing sa Quezon!
Mapapanood ang 10th Anniversary Special ng Good News ngayong Lunes (March 15), 5:45 p.m. sa GTV.