Tatay ni Carla suportado ang pagli-live in nila ni Tom

Rey ‘PJ’ Abellana

MANILA, Philippines — Hinihintay na lang ni Rey ‘PJ’ Abellana na kausapin siya ng kanyang anak na si Carla Abellana at ang kasintahan nitong si Tom Rodriguez at magpaalam para magpakasal.

Nasa marrying age na raw ang dalawa kaya tama lang na maisipan nilang magpakasal. “Sa edad na lang eh…they are at the very proper age already. They’re not getting younger anymore, and married life is medyo may timing talaga yan sa edad ng tao. Kasi the older you settle down, the more risk na makakapag-baby pa kayo something like that, may mga difficulties na ‘yan,” pakli ni PJ nang nakatsikahan namin sa Christmas presscon ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told noong nakaraang Sabado sa Emar Suites.

Matagal na raw silang hindi nagkausap ni Carla, pero nababalitaan naman daw niya kung ano ang latest sa kanyang anak. “Unfortunately, medyo kulang na kulang kami sa communication ng aking anak na si Carla. For sometime I would hear, I would see sa internet o sa YouTube na may sakit siya and all of that, you know. I’ve been trying to get in touch with her but hindi pa namin napapag-usapan talaga.

“But I heard, she’s back working again. She’s back taping. So, I supposed na kung nagti-taping na siya uli, I would say siguro na okay naman siguro ang health niya ngayon,” saad ng aktor.

Hindi naman inililihim ng magkasintahan na nagli-live in na sila, at agree naman daw sa ganu’ng set-up si PJ. Mas mabu­ting mag-live in daw muna sila bago nila pagdesisyunang magpakasal. “I agree with living together before marriage. I agree with that, kasi diyan nati-testing…diyan yung parang trial period or stage ng isang relasyon kung they are really meant for each other. You know.

“Iba ‘yung makakasama mo sa bahay eh. Iba ‘yung ma-encounter mo diyan, ma-realize mo, makikita mo at lalabas lahat ‘yung totoong kulay kung nakasama mo sa bahay.  Ako, agree ako diyan ‘yung living together first before getting married,” sabi pa ni PJ.

Bukod sa Mamasapano na sisimulan na ni PJ sa susunod na taon, bahagi rin siya sa Ate ng Ate Ko na napapanood sa TV5.

Dating speaker Alan, tuloy ang pagtulak sa Department of Arts

Sa kabila ng mga batikos na binabato sa dating Speaker of the House Alan

Peter Cayetano, purisigido siyang ituloy itong sinimulan niyang draft ng Department of Arts and Culture Bill.

Nang huling makatsikahan namin si Cong. Alan Peter kasama ang Taguig Mayor Lino Cayetano, maayos niyang ipinaliwanag kung bakit gusto niyang isusog itong Department of Arts and Culture Bll.

 Itong bill na ito ay nagpu-provide ng comprehensive support to the industry (films, music recordings, music videos, graphics, design, native architecture, fashion designs, and live productions) through tax incentives and tax credits.

May hiwalay na tanggapan para sa  Local and International Promotion of Arts and Culture Content, na siyang namamahala sa partnership sa mga private sector para madagdagan ang suporta sa programs and projects na may kaugnayan sa sining at kultura ang nakapaloob pa rito.

Maaaring tataas ang kilay ng iba kapag malaman nilang pinupursigi ito ng dating speaker, dahil sa isyu ng ABS-CBN shutdown.

Pero sabi naman ni Cong. Alan Peter, huwag hayaang gamitin sila ng galit.

“Hindi ko sinasabi don’t be angry. Ang sinasabi ko use your anger, don’t let your anger use you.

“So, ganu’n din sa hugot ‘di ba? Gamitin mo ‘yung hugot mo. I appreciate du’n those who don’t like our decision. But that doesn’t mean na magalit na kayo sa buong gobyerno…na magalit na kayo sa buong industriya.

“So, in the same manner na may hugot din ‘yung mga pulitiko the way they run their business. There’s two sides talaga eh.

“Hindi ko tinatanggal na may hugot ang iba laban sa amin,” saad ni Cong. Alan Peter Cayetano.

 

Show comments