Burol ni April Boy, pinatutupad ang health protocols

Bagama’t may pandemic, at ipinatutupad naman ang lahat ng safety requirement sa burol ni April Boy Regino, mukhang magtatagal iyon kaysa sa karaniwang pinahihintulutang panahon ng burol sa panahon ngayon. Kung sabagay, siya naman ay nasa loob ng kanyang sariling property, isang resto bar na kanyang ipinatayo at kanyang pag-aari, malapit lamang sa bahay niya.

KC, laging naiisip ang lola

Nakakatuwa ‘yung kuwento sa social media ni KC Concepcion tungkol sa kanyang Mita Elaine (mommy ni Sharon Cuneta). Minsan daw papaalis siya ng bahay, naka-shirt at jeans, pero pinigilan siya ng kanyang lola dahil sa tingin noon ay hindi bagay sa kanyang getup ang dala niyang purse.

Pumasok daw iyon sa kanyang room at matapos ang paghananap ng purse na babagay sa kanyang getup, ibinigay sa kanya ang isang vintage na Chanel purse na siya niyang ginamit noong araw na iyon. Naalala lang ni KC, lahat ng natutuhan niya sa pananamit, makeup, pamimili ng alahas at kung anu-ano pa sa kanyang Mita Elaine.

Inamin din niya na sa kanyang pagbibihis ngayon, o maski sa ginagawa niyang design ng alahas, ang naiisip niya ay ang kanyang Mita Elaine, at kung ano ang inaakala niyang ikatutuwa noon. Iyong nai-share ni KC ay isang karaniwang simpleng relasyon lalo na ng mga batang babae sa kanilang mga lola.

Sa ganitong panahon na malapit na ang Pasko, lalong naaalala ng mga tao kung ano ang magagandang nakaraan, sama-sama ang pamilya sa bahay kung nasaan ang mga lolo at lola. Ngayon sinasabing kailangang iwasan iyan dahil sa pandemic. Mas madali kasing makakuha ng virus ang mga may edad na. Pero mapipigil nga ba ang tradisyong iyan? Mapapabayaan ba nilang lumipas ang Pasko nang hindi nakikita sina lolo at lola?

Nakakatuwa nga ang alaalang iyon na nai-share ni KC, kasi iyan ang tunay na ugaling Pilipino. Lalo’t kung iisipin nga kasi ang kanyang napagdaanan, talagang ang lolo at lola niya ang naging gabay ng kanyang kabataan.

And in fairness, makikita mo na mas maganda ang kanyang kinalakihan.

Poging male personality na nanalo sa noontime show, delikadong mahawa sa ginagawang sideline

Sumikat din naman si pogi noong araw, matapos niyang sumali at manalo sa isang papogian sa isang noontime show. Talagang sumabak siya sa TV, sa mga out of town shows, at marami rin siyang nagawang endorsements noong araw maging sa social media. Tapos nagbakasyon siya sa showbiz at nagtrabaho sa abroad.

Noong magbakasyon siya mula sa kanyang trabaho ilang buwan na ang nakararaan, dahil mayroon naman daw siyang two months vacation sa kanyang trabaho, nakulong na siya dahil sa lockdown at hindi na nakabalik. Sa schedule niya ngayon, makakabalik siya sa trabaho mga ilang buwan pa.

Dahil wala nang trabaho, walang kita, nagbalik na rin pala siya sa “pagsa-sideline” na alam na ninyo kung ano, kasi pogi pa rin naman siya. Pero delikado ang kanyang ginagawa, hindi imposibleng mahawa sa COVID.

Show comments