Wow, nine years old na kahapon si Nate Alcasid, ang anak ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid.
Ang bilis talaga ng takbo ng panahon, Ateng Salve. Parang kailan lang ‘yung dahil sa kanyang pagbubuntis kay Nate ay kinailangang i-give up ni Regine ang primetime series niya na I Heart You Pare at pinalitan siya ni Iza Calzado.
Anyway, dahil sa pandemic, virtual party na lang ang ginawa ni Nate kasama ng kanyang mga kaibigan. Ang fastfood chain na ine-endorse nina Regine at Nate ang nagbigay ng virtual party na ‘yon.
Sa panahon talaga ng pandemic, virtual party na talaga ang uso, pero ang bongga pa rin. ‘Yun na!
Richard at Ruffa, suwerte sa trabaho kahit pandemya
Balik today sa lock-in taping sa Batangas ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Sinamantala na ni Richard Gutierrez na madalaw kahapon ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa kanilang White Plains house.
Today naman ang last day ng lock-in taping ng Stay In Love ng TV5. Sabi ni Ruffa, lahat sila ay uuwi na bukas.
Pero hindi naman nangangahulugan na tapos na sila. Babalik pa raw sila. Makakailang balik pa raw ang cast sa lock-in taping ng Stay In Love.
Sa tsika ni Ruffa, hanggang next year pa sila magti-taping.
Sayang at hindi mag-aabot ang magkapatid na Ruffa at Richard sa labas. Pero para sa magkapatid, sobrang appreciated nila ang work sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Shooting ng Anak... walang tigil
Tuluy-tuloy naman ang shooting ng Anak ng Macho Dancer na produced ng dating aktor na si Joed Serrano. Kung noon ay concerts ang pinoprodyus ni Joed, ngayon naman ay magko-concentrate siya sa pagpoprodyus ng mga pelikula.
After ng Anak ng Macho Dancer, ang life story naman niya na pinamagatang The Loves, The Miracles & The Life of Joed ang ipoprodyus niya sa January 2021.
Si Joel Lamangan ang direktor ng Anak ng Macho Dancer at gusto ni Joed na katrabaho ang batikang direktor, kaya ito rin ang mamamahala sa second movie ng dating aktor. Si Wendell Ramos ang gaganap na bida sa life story ni Joed.
Tatay ng bidang si Sean de Guzman ang role ni Allan Paule na kasama sa original movie na Macho Dancer sa Anak ng Macho Dancer.
Nakapag-shooting na nga rin pala ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose para rito.
Masaya lang talaga, Ateng Salve, dahil sa kabila ng pandemic ay may mga katulad ni Joed na nagpoprodyus pa rin ng mga pelikula kaya hindi puwedeng sabihing mamamatay na ang local movie industry, huh!