Lucho, engaged na

Engaged na ang Kapuso actor na si Lucho Ayala (Eduard Francis Ayala) sa kanyang Filipina-Spanish model girlfriend na si Emma Rueda at ito’y nangyari noong nakaraang Biyernes, October 2.

Si Lucho ay kasama sa cast ng tumatakbong teleserye ng GMA, ang local remake ng South Korea’s hit TV series na Descen­dants of the Sun na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Birthday ni Kuya Germs, hindi nakakalimutan

Kaarawan kahapon ng star builder at Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno). Eighty seven years old na sana siya.

Noong ito’y nabubuhay pa, isang month-long celebration ang ginaganap sa kanyang mga programa noon tulad ng That’s Entertainment, Germside, Germespesyal, GMA Supershow hanggang sa kanyang Walang Tulugan with the Master Showman na tumagal sa ere ng 20 taon.

Noong isang gabi ay isang virtual reunion ang mga stars and talents ng That’s Entertainment na ginagawa nila taun-taon (kahit noong nabubuhay pa si Kuya Germs) to celebrate his birthday.

Napaka-inspiring ng naging buhay ni Kuya Germs na nagsimulang magtrabaho bilang janitor at telonero (curtain raiser) sa dating sikat na Clover Theater hanggang sa mapasama siya sa mga vaudeville shows.  Sa Clover Theater siya nakita ni Gng. Azucena `Mama Nene’ Vera-Perez ng Sampaguita Pictures. 

Una siyang ginawang host ng isang premiere night na ginanap sa dating Life Theater sa Maynila. Sa halip na tumanggap ng talent fee ay nakiusap na lamang siya kay Mama Nene na bigyan na lamang daw siya ng role sa pelikula at kasunod na rito ang kanyang pagiging miyembro ng mga talent sa Sampaguita Pictures na siyang pinagmulan ng malalaking stars noon tulad nina Gloria Romero, Susan Roces, Amalia Fuentes at marami pang iba. 

Ang the rest is history, ang kasabihan nga. 

Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, sangkaterba ang kanyang collection ng iba’t ibang clowns.

Bakit clowns? “Kapag ikaw ay isang entertainer, bawal kang maging malungkot sa harap ng mga manonood kahit nagdurugo ang iyong puso,” eksplika niya noon.

“Ganoon ang clown, masaya ang panlabas na nakikita kahit umiiyak ang kanyang puso,” dugtong pa ni Kuya Germs nung ito’y nabubuhay pa.

Belated happy birthday in heaven, Kuya Germs. Marami ang patuloy na nagmamahal sa iyo.

Show comments