Ted, malungkot na masarap ang nararamdaman

Aminado si Ted Failon na hindi talaga naging madali para sa kanya ang desisyon na lumipat ng ibang network matapos magsara ang DZMM na siyempre ay nakabilang ang kanyang mga programa sa radyo. “Ako, aaminin ko, ang mga anak ko, ate ko, ‘yung iyakan na inabot na inabot namin dito, talagang ma-ano, really serious consideration, usapan desisyon na gagawin mo,” simula ni Ted sa Zoom conference na ginanap last Thursday para sa bago nilang radio program ni DJ Chacha sa Radyo 5.

“Talagang contemplation na malalim and of course, prayers. Prayers every single day, praying for signs and guidance. Kung mayroong hesitation, meron definitely,” he added.

Aminado naman siya na nang mawala ang radio programs niya ay para siyang napilayan, since passion niya rin talaga ang radyo at ipinagpapasalamat na may dumating na ibang oportunidad at ito nga ay ang Radyo 5.

Labis din ang pasasalamat ni Ted na nang magpaalam siya sa ABS-CBN ay naunawaan naman siya at sobrang thankful niya na binigyan din siya ng napakagandang send-off kabilang na ang official farewell statement ng network. “Malungkot na masarap,” ang deskripsyon niya sa kanyang pag-alis sa Dos at paglipat sa Singko.

“Malungkot kasi nga, iiwan mo ‘yung kinalakihan mong himpilan pero ‘yung pagbibigay nila sa ‘yo ng pahintulot at pag-unawa sa ‘yo, talaga namang wala akong mahanap na salita,” he said.

Sobrang pasasalamat din niya sa napakainit na pag-welcome sa kanya sa Kapatid network sa pangu­nguna ng President and CEO of TV5 na si Robert Galang at ang head ng News and Public Affairs ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdes.

Mapapakinggan na simula ngayong Lunes (October 5) ang Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5 mula 6:00 to 10:00 a.m. Mapapanood rin ang live simulcast nito simula 6:00 a.m. sa TV5 at OnePH (available sa Cignal TV CH.01).

Ken, hindi makahawak kay Rita

Nagsimula nang mag-taping ulit ang RitKen loveteam na sina Rita Daniela and Ken Chan para sa The Clash Season 3 at talagang aminado sila na napakalaking pagkakaiba ngayon than before. “Ang pinakanahirapan po ako, kasi kami ni Rita, noong wala pang pandemic, lagi kaming magkadikit, lagi kaming naghahawakan, niyayakap ko siya, sinasaktan niya ako,” sey ni Ken.

Sa kanilang dalawa raw, ani Ken ay siya talaga ‘yung ma-touch at lagi niyang gustong hawakan or lapitan si Rita.

Inamin din niyang napagalitan pa siya one time ng production dahil sa paglapit niya kay Rita. “Minsan, napagalitan po ako kasi dumidikit ako sa kanya. Bawal talaga. So, talagang very strict po ‘yung production diyan at saka very strict ang GMA.

“So, dahil nasanay ako na hawak-hawak sa kanya, doon ako nahirapan. Pero kahit paano, nakapag-adjust naman na ako, hindi ko na siya hinahawakan,” natatawang sey ni Ken.

Samantala, sa pagbabalik ng The Clash for the 3rd time ay nagbabalik din sina Rita and Ken bilang Journey Hosts and of course, kasama pa rin nila sina Rayver Cruz and Julie Ann San Jose bilang mga Clash Masters, gayundin sina Lani Misalucha, Christian Bautista and Ai Ai delas Alas bilang mga judges naman umpisa ngayong araw (October 3). 

Show comments