Binago ng Google ang logo nito upang bigyan ng tribute ang yumaong Comedy King na si Dolphy sa selebrasyon ng kanyang 92nd birthday this year.
Sa halip na ang ordinaryong logo ng Google ang bubungad sa gagamit nito, ang caricature ni Dolphy bilang bagong mukha ng search application ang bubulaga sa mga gagamit nito na tinawag na Google Doodle.
Kahapon, July 25, ang kaarawan ng Comedy King na taong 1928 nang isinilang. Namatay siya noong July 10, 2012 sa taong 83.
Ayon sa pahayag ng Communications and Public Affairs Head ng Google Philippines na si Mervin Wenke, “Through this Google Doodle, we recognize and pay tribute to Dolphy’s remarkable talent and passion which have made a significant impact in the local entertainment industry, bringing laughter to generations of Filipinos.
“We hope that today, everyone is reminded of Dolphy’s legacy and how he taught everyone to find joy in everyday life.”
Sa nakaraang death anniversary ni Pidol, inalala siya ni Zsa Zsa Padilla at humingi ng dasal sa pumanaw na partner.