Princess at asawa, may lockdown baby

Four months pregnant ngayon ang OPM acoustic princess na si Princess Velasco sa magiging third baby nila ng kanyang husband na si Dr. Mark Herbert `Bistek’ Rosario na high school sweetheart ng singer.

Sina Princess at Doc Bistek ay may dalawa nang anak na parehong lalake, sina Kobe (5) at Milo (2).

Although hindi pa alam ng mag-asawa ang gender ng ipinagbubuntis ngayon ni Princess, umaasa sila na sana’y baby girl na ito.

Jessy, proud GF

Proud ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa kanyang nobyong si Luis Manzano dahil sa pagiging matulungin nito lalo na ngayon na libu-libong mga Kapamilya ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkakabasura ng prangkisa ng ABS-CBN.

Unknown to many, ang Kapamilya TV host-actor ay isang successful entrepreneur at guma­gawa ito ng paraan na mabigyan ng trabaho ang ilan sa mga displaced Kapamilya employees.

Bea, maligaya ang puso!?

Matapos ang mahigit isang taon ng controversial break-up ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson noong isang taon, mukhang masaya na naman ang puso ngayon ng Kapamilya drama actress na si Bea dahil ito’y nauugnay ngayon sa isa pang Kapamilya actor na si Dominic Roque na pamangkin ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo.

Kung tutuusin, matagal-tagal na ring magkaibigan sina Bea at Dominic pero lately lamang naramdaman ng dalawa ang kanilang espesyal na pagtatangi para sa isa’t isa.

In her almost two decades sa industriya, ilang guys pa lamang ang na-link kay Bea at kasama na rito ang namayapang si Miko Palanca, Zanjoe Marudo at Gerald.

Sina Bea at Dominic ay nagkasama na ring nagbiyahe sa Japan bago pa man ang pandemya.

Xander Ford umaming may dyowang lalaki matapos kasuhan ng rape

Kinasuhan ng rape at physical abuse ng kanyang ex-girlfriend ang controversial figure na si Xander Ford (Marlou Arizala) na kamakailan lamang ay nag-out na siya’y bisexual.

Ang dating member ng boyband na Hash5 ay pinag-usapan nang husto nang ito’y sumailalim ng facial transformation (plastic surgery) covered ng Rated-K ni Korina Sanchez in October 2017. Pero maaga rin itong nag-disappear sa limelight nang i-body shaming niya si Kathryn Bernardo dahil `kinuyog’ siya ng fans ni Kathryn at ng KathNiel maging ng mga kaibigan ni Kathryn sa showbiz.

Naging controversial din ang kanyang pagbabalik dahil inamin nito recently na siya’y bisexual pero bago ito ay sinampahan naman siya ng kaso ng dati niyang girlfriend ng rape at physical abuse kaya naka-`indefinite leave’ umano ito ngayon sa kanyang management company, ang Star Image Management.

Show comments