Pinky nanghingi ng tawad sa pagmumura!

Pinky

Parang eksena nga sa isang teleserye ang pag-viral ng video ng TV-film-stage actress na si Pinky Amador dahil sa pagtalak at pagmura niya sa ilang condotel staff kung saan siya nakatira.

Ang dahilan kung bakit sobrang nagalit si Pinky ay dahil sa pagpatira roon ng 59 OFWs na mga PUM o person under monitoring dahil sa sakit na CO­VID-19. Wala raw nag-abiso sa mga nakatira sa condotel na gagawin iyon ng building administration.

Nagpaabot na ng kanyang apo­logy si Pinky sa kanyang mga nasabi na bunga ng kanyang galit at takot. Katwiran niya, pinaglalaban lang niya ang kanyang karapatan bilang resident ng building.

“I have uttered harsh words and become very emotional in a video that has been circula­ting. There is no excuse for that behavior.

“Please understand, ho­wever, that my emotion was the product of countless minutes of worrying for my safety and that of my neighbors, following up with building administration, and talking to my very emotional neighbors and friends.

“I live in a Condo-Tel, that is a building that has units allotted for residents, and units allotted for hotel guests for a fee. On 04 May 2020, our Condotel accepted 59 returning Filipinos without informing us of their being designated as a quarantine facility. Of note is the fact that these returning Filipinos neither had the proper documentation with them upon entry, nor any indication that they were tested, or when their test results were arriving. The residents wouldn’t have known of their arrival, if not for the witnesses who had seen them enter the premises of our Condo-tel.

“The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents,” bahagi ng statement niya.

Reaksyon ng netizens na nakapanood ng melt down ni Pinky, may karapatan daw itong magalit dahil walang nagsabi sa kanila na may mga PUM na patitirahin sa building. 

Paano nga naman kung mahawa siya at ilang mga tao sa building? Sagot ba nila ang pagpapaospital nila?

May nag-react na netizen na bastos daw si Pinky at sana magtimpi siya dahil kilala siyang artista. Sagot naman ng dumepensa sa aktres, porke’t artista ba hindi na puwedeng magalit? Kung nangyari raw yan sa isang ordinaryong tao, ang unang reaksyon nito ay ang magalit at magmura. 

 Nagpapakatotoo lang daw si Pinky sa nararam­daman niya sa moment na iyon at ‘di niya iniisip na artista siya.

Ina hindi nagpabayang magkaroon ng depression at anxiety

Maraming celebrities ang nakaranas ng depression at anxiety noong makulong at mapahinga bigla sa trabaho ng higit sa tatlong buwan dahil sa lockdown.

May kanya-kanya silang paraan kung paano harapin ang mga nararamdaman nila. Para sa aktres na si Ina Feleo, ang naging depensa nito sa depression at an­xiety ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Maging daan daw ang quarantine para nakapag-focus ang aktres sa pag-improve sa ating sarili, lalo pagdating sa physical aspect.

Kaya during lockdown, hindi nagpabaya si Ina sa kanyang usual workout routine na sinamahan pa niya ng yoga para magkaroon siya ng mas ma­linaw na pag-iisip sa mga nagaganap ngayon.

Show comments