Isa pang napansin ko ngayon ay iyong laki ng tiwala ng mga donor sa GMA at ABS-CBN fundraising.
Mukhang mas ipinagkakatiwala nila ang kanilang donasyon sa dalawang TV network kesa sa ibang nanghihingi ng donasyon. Siguro nga mas nakita nila na mas transparent ang dalawang giant networks sa pag-distribute ng tulong at relief items at mas malawak ang naabot na lugar.
Kahit sabihin pang merong parang donation fatigue ang maraming donors, pagdating sa fundraising ng 2 at 7, open arms pa rin sila sa pagbibigay.
Wala kasing politics o red tape sa pamimigay ng mga taga-GMA at ABS, basta bigay lang sila. Good sign na talagang merong tiwala sa kanila ang tao.
Good for charity.
SolGen Calida lumabas na David
Nanood ako ng TV Patrol kagabi sa ANC channel, Salve. At lalong nagulo ang isip ko nang ipaliwanag isa-isa ni Kuya Kim Atienza ang mga issue at sagot ng ABS-CBN sa cease and desist action ng NTC.
Nagulo rin ang isip ko sa mga sinabi ng mga senador at congressman. Mas madali pa noon napasara ang istasyon ng panahon ng Martial Law dahil nga military rule noon. Pero ngayon na nasa demokrasya tayo, hindi ko maintindihan.
Sa paliwanag ni Kuya Kim, walang nilabag na batas ang Channel 2. Sa paliwanag ng mga senador at congressman, mali ang NTC at si Solgen Calida. Pero bakit nangyari? Bakit umabot sa closure kung lahat sinasabi nila tama? Ibig sabihin sa kanilang lahat, pati na sa battery of lawyers ng Channel 2 mas matalino si SolGen Calida?
Ang tagal na ng issue na ito hanggang umabot sa pagsasara, pero lahat sila walang nagawa kay SolGen Calida?
Gulung-gulo na ang isip ko, dahil panahon ng demokrasya, pero nangyari ito. Ibig sabihin ginawa itong meron sinunod na batas, at mas matibay ang hawak ng NTC at ni Solgen Calida para ma-over rule niya ang congress, senate, at lalo na ang tambak na lawyers ng ABS-CBN.
Excited na akong makita at malaman kung ano ang ginamit ni SolGen Calida para mapayuko ang lahat ng giants, dahil mukhang siya ang lumalabas na David sa fight na ito. Para ngang lahat ngayon is barking, pero hindi mahanap iyong aso na kumagat sa kanila. Wow na wow.