Isay Alvarez at Robert Seña, kinaiinisan ng anak

Iba’t iba ang reaction ng mga nakabasa sa tweet ni Roberto Jericho Seña, anak nina Robert Seña at Isay Alvarez na ano kaya opinyon ng magulang ko sa pagsasara ng abs-cbn, tapos dds pa sila. sana magbago na kayo, tinatanggalan kayo ng trabaho ng tatay niyo.”

May mga hindi makapaniwalang parents niya sina Robert at Isay, may nagulat din na kahit DDS ang parents niya, lumalabas pa rin sa shows ng ABS-CBN. May nag-suggest na kausapin niya ang parents niya para maliwanagan at baka sakaling magbago ng paniniwala. Ang sagot ni Roberto, believe me I have tried.”

Maganda ang payo ng isang netizen na ‘wag niyang hayaang masira ang relasyon niya sa kanyang parents na iba ang paniniwala sa kanya. Patuloy pa rin daw niyang kausapin ang mga magulang.

Gary pinapakain ng gulay at apple ang trolls

Pinost ni Gary Valenciano sa Instagram (IG) account niya ang official statement ng Malacañang Press Corps na kinokondena ang National Telecommunications Commissions (NTC) sa pag-isyu ng cease and desist order na naging dahilan nang pagsasara ng ABS-CBN. Nagpa-thank you rin si Gary sa Malacañang Press Corps.

Naba-bash si Gary dahil sa mga comment niya sa closure ng ABS-CBN lalo na sinabi niyang Why do this when our people are battling to survive the worst crisis our country and the world has faced since World War II? We at ABSCBN stand as one with the rest of the nation, doing all we can to serve the Filipino, to help millions and be a beacon for information and hope for Filipinos worldwide during this pandemic. It is clear other agendas are on the move.”

Maganda ang bwelta ni Gary sa mga namba-bash sa kanya, hindi niya inaaway. May sinabihan lang siyang don’t forget to eat your vegetables” o kaya’y don’t forget to buy apples k? They are good for your health.” Kaya wala ng maisagot ang basher at umaalis na lang sa page ni Gary.

John nakikisimpatya sa mga dating Kapamilya

Nag-share si John Estrada ng sentiments niya sa pagsasara ng ABS-CBN at nag-post din siya ng ribbon with the network’s colors of red, blue and green.

20 plus years ako sa network na to... napakalaki ng utang na loob ko sa abs-cbn... marami akong naging kaibigan at kaibigan ko pa rin hanggang ngayon kahit nasa GMA ako ngayon....mula sa mga bosses, artista, director, production staff, camera men sa network na to... isa ako sa mga nananalangin na mabigyan kaagad ng prangkisa ang network na to... dahil alam kong napakaraming tao ang mawawalan ng trabaho.”

 Anyway, habang naka-quarantine pa si John, tuluy-tuloy ang workout nito para pag pwede nang mag-taping uli ang mga network, nasa kondisyon ang katawan niya. May bagong teleserye sa GMA-7 si John, nakapag-storycon na sila ng project na muli nilang pagsasamahan ni Carmina Villarroel .          

Show comments