Bilyonaryang si Kylie Jenner hindi ramdam ang quarantine

Tiyak na kumportable ang quarantine ng reality star, makeup mogul and billionaire na si Kylie Jenner dahil nakalipat na ito sa kanyang $36.5 million mansion in Los Angeles.

Na-feature sa People magazine ang bagong acquired property ni Kylie na seven bedrooms, 14 bathrooms and 20 parking spots on a .83 acre property.

Originally ay $55 million ang presyo ng mansion, pero mabigyan ng malaking discount ni Kylie nang mabili niya ito noong April 3.

Nag-post sa kanyang Instagram si Kylie ng photos habang nasa master bedroom siya at nilagyan niya ito ng caption na “lover girl”, “quarantine bae” at “sending my love and prayers to you all! i hope everyone is staying safe .”

Habang nasa kanyang bagong mansion si Kylie, ang kanyang source of entertainment ay ang mag-experiment sa iba’t ibang makeup.

“experimenting with makeup has been keeping me entertained.”

Bago nabili ni Kylie ang bagong mansion niya, may dalawa siyang property pa na matatagpuan sa Hidden Hills na binenta niya for $6.7 million at isang $13.5 million mansion kung saan kasama niya ang baby daddy niya na si Travis Scott.

Show comments