Korean actor na si Jang Hyuk, crushable kahit 3 na ang anak

Alam mo Salve na meron na naman akong bagong crush na Korean actor, si Jang Hyuk. Type ko siya sa Fated to Love You at kung bukas lang ang Greenhills magpa-download ako ng lahat ng ginawa niyang serye at movie.

Kaya lang, tatlo na ang anak niya, pero ok lang, papasok na lang akong yaya Lolita sa kanya, hahaha.

At dahil flashback mode ako nga­yon, lagi ko iniisip kung naiba ba buhay ko kung noong panahong go kami ni Inday Badiday sa Korea dahil ambassador ang tatay niya doon, nagkaroon ako dyowang koreano.

At kung natuloy iyon negotiation noon na gumawa ng TV series at movie si Kris Aquino sa Korea, nagkaroon kaya ako ng oppa noon? Hahaha!

To think na that time ang nagustuhan ko sa Korea iyon mga batang American servicemen assign sa Panmunjom Village, at dahil wah ko feel ang mga Korean, ‘di ko pinilit si Kris na tanggapin iyon offer kahit pa nga tatlong beses nakipag meeting sa akin iyon mga producer sa Bistro Lorenzo. Hay naku, alam mo ba Salve sa isang desisyon puwede maiba ang fate mo, ang lalakaran mong path.

What if kung noon pa type ko na mga Korean, nasa Korea kaya ako ngayon? At invited ako sa presscon, at naggi-gatecrash din kaya ako dun?

Hahaha ang nagagawa ng lockdown, ilusyon to the max!

Mga donasyon naghihigpit na rin

Meron akong nakausap, tinatanong niya kung bakit daw mukhang hindi na ganoon kadali ngayon ang dating ng mga donor para sa fundraising ng mga naapektuhan ng COVID-19?

Baka naman kasi sa dami ng fundraising, at humihingi ng tulong kaya medyo iyon iba ay naghihigpit na rin. Saka kung manonood ka ng TV, meron kanya-kanya sa pagbibigay.

 At iyon mga gumagawa ng food package ay sila na mismo nagdadala sa mga tao na gusto nilang bigyan at ang iba ay sila na ang nagdadala sa mga hospital for frontliners. Basta kahit sa anong paraan, makatulong, ok lang.

Kahit sino, kahit paano, welcome. 

Show comments