Naku Salve ha, pinanood ko na naman ang Fated to Love You na Koreanovela na kinunan sa Macau.
Doon sa paborito nating Venetian Hotel ang location ng teleserye. Bakit kapag sa screen, parang ang ganda-ganda ng lugar at paligid, eh pag nandoon ako dahil sa rami ng tao parang feeling ko marketplace iyong hotel. Hahaha.
Huwag mong sabihin dahil nasa executive rooms sila dahil doon din tayo nag-stay ‘di ba. Doon ko nga natikman iyong napakamahal na steak and lobster dinner kasama natin si Papa Albee Benitez.
At bongga nga tayo doon dahil pulos fine dining tayo at hindi food court. Pero sa pinanood ko parang ibang-iba ang ambience, very romantic at very classy.
Siguro ang lugar para rin tao, pag nag make up iba na hitsura. Siyempre dahil ginawa nilang location, na dress-up na mabuti iyon lugar. Para tuloy na miss ko, dun kaya tayo magpunta Salve para mag destress after ng lockdown, tutal tatlong invitations na natatanggap ko, sige baka patulan ko at tingnan uli ang the Venetian ng Macau. Bongga!
Kapuso moms abala sa fundraisings
Maganda rin iyong fundraising na naisip ng mga artista ng GMA para sa mga mother at bata ngayong panahon ng COVID-19.
Iyon Alay kay Nanay na binuo nina Iya Arellano, LJ Reyes, Chariz Solomon, Camille Prats, Chynna Ortaleza at marami pang stars na mga mother na ngayon. Totoo nga na dapat talaga tingnan din how a mother and kids is coping at this time.
At ngayon siyempre mas malakas ang demands sa mga kailangan ng mga bata at mga ina.
Iyon mga gusto mag-donate meron silang Facebook account, at puwede rin sa kanilang mga personal accounts idaan ang anuman tulong na gusto ibigay. Very good move from showbiz mothers at nagpapakita ng kanilang concern.