Jennylyn aminadong hirap sa medical terms

Jennylyn

Inamin ni Jennylyn Mercado ang hirap niya kapag nagti-taping na sila ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

“Nang tanggapin ko po to play the role of Dr. Maxine dela Cruz, pinanood ko na ang original version ng serye,” sabi ni Jennylyn. “Habang pinapanood ko parang ang dali lamang ng ginagawa nila, dahil mahuhusay silang artista, pero nang ginagawa ko na rito ang mga eksena, mahirap pala.  Like kapag ang eksena, iyong may emergency case na dumating sa ospital, na marami kaming involved sa eksena, mahirap pala iyong habang umaarte ka, kailangang iutos mo ang gagawin ng staff mo, iyong paggamit mo ng medical terms, kaya kailangan talaga memoryado ko ang script, dahil kung hindi mawawala ako.”

Kaya naman puring-puri ng netizens si Jennylyn at hindi nagkamali ang GMA na siya ang kunin to play the role dahil mahusay niyang nagagampanan ang role niya bilang isang mahusay na surgeon, na akala mo ay totoo siyang doctora at ang ipinakikita niyang tapang lalo na kapag ang concerned ay si Lucas (Dingdong Dantes). 

Ang Descendants of the Sun ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Alden at Betong bibisita sa Mars

Ngayong umaga, bibisita at magpapasaya ang Centerstage hosts na sina Multimedia star Alden Richards at Betong Sumaya at makikipag-chikahan sila sa mga host ng Mars Pa More na sina Camille Prats, Iya Villania-Arellano at Chariz Solomon.

Special ang pagtatanghal dahil ipi-feature ng morning show ang isang Pinoy couple na nagkaroon ng wedding proposal noong concert ni Betong sa Music Museum last November, 2019.  Isa namang diehard fan ni Alden, ang cancer-afflicted young girl na si Chuchay ang ipakikita at makakausap sila nina Alden at Betong sa pamamagitan ng videocall. 

Malalaman kung natuloy na ang kasal ng couple at kukumustahin din ni Alden kung may pagbabago na sa kalagayan ni Chuchay.

Guest din sa show si motivational speaker at Kapuso celebrity Michaelangelo Lobrin sa isang discussion na ang tanong, ‘kailan ka ba dapat maging bida o magpabida-bida?’

Daboy never nakalimutan

Kahit ilang taon nang wala si Daboy Rudy Fernandez, hindi pa rin siya nalilimutan ng mga dati niyang kasama noong panahon na patok na patok sa mga sinehan ang mga pelikulang aksyon at sila ang madalas na mga bida sa mga proyektong ginawa nila noon.

Last March 3 ay birthday ni Daboy at nasorpresa ang wife niyang si Lorna Tolentino nang dumating sina Robin Padilla at Phillip Salvador habang isinasagawa ang Holy Mass sa Heritage Park.  Si Robin ay pinsan ni Rudy at tulad daw ni Fernando Poe Jr., hindi rin malilimutan ng mga tao si Rudy.

Show comments