Mommy Divine pinagtutulungan?!

Toni nilinaw na fake news ang comment ni Mommy Pinty sa nangyari kay Sarah

Ikinaila ni Toni Gonzaga na nagbigay ng opinion ang mother niya tungkol sa naging aksyon ni Divine Geronimo sa kasal ng kanyang anak na si Sarah. Inilabas pa ni Toni ang screenshot ng social media post kung saan sinasabing napahiya si Mommy Divine sa statement ni Mommy Pinty, at sinabing iyon ay isang “fake news”.“Hindi na-interview ng sino man tungkol doon ang mommy ko,” sabi pa ni Toni.

Marami ang nakapansin na hindi lamang iyon, kung ‘di palasak din ngayon sa social media ang opinion ng kung sinu-sino laban sa nanay ni Sarah, kaya marami nga ang naniniwala na ang paninira sa ina ng singer ay “orchestrated”.

Pero sino naman ang gagawa noon?

Mayroon pang diretsahang bintang na ang nanay daw ni Sarah ang nag-utos sa bodyguard na si Tamara na magpa-blotter sa pulisya at magpa-interview sa isang radio program tungkol sa sinasabing pananapak sa kanya, at magkuwento rin tungkol sa mga pangyayari.

Napaka-unfair ng ganyang observation at maliwanag na pagbibintang nang walang basehan, kundi ang sinabi ni Tamara na natural na susunod siya sa nanay ni Sarah dahil “siya ang kumuha at nagpapasuweldo sa akin”.

Maliwanag naman ang tinutukoy lamang ni Tamara ay ang nanay ni Sarah ang kumuha sa kanya bilang security guard sa bahay ng mga Geronimo, at natural iyon ang nagpapasuweldo sa kanya.

Kung iisipin nga, mabuti at nananahimik ang nanay ni Sarah tungkol sa mga nangyari, makikita mong masama man ang loob dahil sa nangyaring pakikipagsabwatan ng kanyang anak na ilihim sa kanya ang kasalan, may respeto pa rin siya sa privacy nito. Kaya nga matatawa ka na kung iyon mismong concerned sa nangyari ay nananahimik, bakit mas maingay pa iyong mga taong dapat ay wala namang pakialam?

Mukha ngang may sabwatan din para sirain ang nanay ni Sarah.

Marco lamang kay Tony

Natural lang naman siguro iyang nagkakaroon ngayon ng comparison sa dalawang leading men ni Lovi Poe sa kanyang pelikulang Di Tayo Pwede.

Natural lang din naman na ang maging stand ng publicists ng mga pelikula na maging neutral, at sabihing pareho lang sina Marco Gumabao at Tony Labrusca. Pero mukhang malabong sabihing pareho lang ang dalawa.

Kung paniniwalaan namin ang data na nagmumula sa social media, at maging sa mga taong personal naming nakakausap, sasabihin naming walang dudang nakakalamang nga sa following si Marco Gumabao. Siguro iyon nga ay dahil sa mas wholesome ang kanyang image.

Hindi naman maikakaila na si Tony Labrusca ay naapektuhan ng isang controversy na nalikha noon dahil sa kanyang attitude sa airport. Hanggang ngayon may epekto pa iyon sa kanyang personalidad.

Bida ng serye walang paki sa ginawang taping na nagdulot ng traffic

Sinabihan na raw ng barangay na bilisan ang kanilang shooting dahil malaking istorbo ang pagpapasara ng kalye sa Malate noong isang gabi. Pero ang naging reaksiyon pa raw ng bida sa serye ay “pabayaan ninyo sila. Huwag ninyong intindihin”. Kaya nga lampas na ng hatinggabi, matindi pa rin ang traffic dahil sa shooting na iyon.

Bakit nga kaya hindi nila isipin na mag-shooting doon sa hindi sila magi­ging istorbo sa mga moto­rista? Mukhang hindi rin naman tama na binibigyan ng permit ang mga ganyan dahil lamang “nagbabayad sila.”

Show comments