Jeff Canoy may dokyu tungkol sa pagsabog ng bulkang Taal

Jeff Canoy

MANILA, Philippines — Paraiso ang turing ng maraming Pilipino sa isla ng Taal, lalo na sa mga naninirahan doon. Matapos masira ang kanilang mga bahay at kabuhayan sa pagputok ng bulkan, susubukan na ngayong bumangon ng mga residente roon, maski pa hindi nila alam kung mayroon pa silang babalikan.

Ilalahad ng premyadong dokumentarista na si Jeff Canoy ang kanilang kuwento sa dokumentaryong Araw na Walang Araw ngayon gabi sa #NoFilter docu series sa ABS-CBN.

Ipapakita ng dokyu ang naging karanasan ng mga taga-Taal tulad ni Nora Aquino, isang tour guide. Mistulang nagunaw ang kanilang mundo sa pagsabog ng bulkan na dahilan upang sila ay lumikas at magbago ang buhay. Ang kanyang pamangkin na si Lester Umali ay isa sa mga sumubok bumalik sa kanilang lugar para isalba ang kanilang bahay, gamit, at mga alagang hayop na naiwan.

Hindi pa tiyak ang hinaharap nina Nora, Lester, at iba pang bakwit na pansamantalang naninirahan sa evacuation centers, pero kailangan nilang hanapin ang kasagutan kung papaano sila magsisimula muli. Makikita naman ang pambihirang bayanihan ng mga Pilipino sa panahong ito, sa pagbuhos ng pagkakaisa, pagmamahal, at suporta para sa mga apektadong lugar.

Show comments