Six days na lang ay Christmas day na at opening ng walong official movie entries sa Metro Manila Film Festival 2019.
May mga kasali sa MMFF 2019 na mahina ang promo.
Si Aga Muhlach na bida sa Miracle In Cell No. 7 ay sobrang sipag sa pagpo-promote.
Inspirado si Aga sa magagandang sinasabi ng mga tao tungkol sa Miracle In Cell No. 7.
Malaking tulong na remake ng isang Korean hit movie ang MMFF 2019 movie entry ng aktor dahil may sure market na kaagad sila.
May isang aktres ako na kausap na nagsabing ang mga anak niya na mapili sa panonood ng pelikula ay manonood nga raw ng Miracle In Cell No. 7.
Ako rin, Ateng Salve, manonood dahil promise ko ‘yon kay Aga.
Ang iba ko pang panonoorin ay The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, pati ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.
‘Yung limang iba pa, pag-iisipan ko pa!
Consistent ang suwerte Jeron nanalo ng bagong sasakyan sa raffle
Ang bakasyon ng mag-sweethearts na sina Jeron Teng at Jeanine Tsoi sa Davao City.
Pre-Christmas break ‘yon ng mag-sweethearts.
Tapos na kasi ang practice ng Alaska PBA (Philippine Basketball Association) team nina Jeron, kaya nag-pre-Christmas break na muna siya.
Naisipan nila ni Jeanine na sa Davao City magbakasyon dahil tagaroon si Alvin Teng, ang tatay ng una.
Pagbalik nila ng Maynila, kukunin na ni Jeron sa Mitsubishi ang Montero Sport na grand prize sa Christmas raffle ng La Salle Green Hills kung saan ay siya ang nanalo.
Masuwerte sa mga ganoon si Jeron.
Some years back (during his high school days), nanalo naman sa isang essay writing contest about his mom nang magkaroon sila ng basketball sa isang Asian country.
That time, mga P150,000 ang naging prize niya at pinang-shopping niya ang parents niyang sina Alvin at Susan, plus his three siblings.
Ang bongga!
I’m sure, Ateng Salve, nakaka-relate ka kay Jeron dahil suwerte ka rin sa raffle dahil ikinuwento sa akin ng chairperson n’yo sa CEB (Cinema Evaluation Board) na ikaw ang nag-win ng grand prize from Miladay Jewelry sa Christmas party n’yo!
(Hihihi. Claim ko ‘yan. Yup, thank you again CEB Chair Ms. Christine Dayrit. – Salve)
Kris, Josh at Bimby mas piniling mag-Pasko sa Amerika
Sa California raw magki-Christmas si Kris Aquino kasama ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.
Sabi ng friend ko, naglambing nga raw si Kris na magluto siya ng fave dish nilang mag-iina.
Mas tahimik nga naman kung sa Amerika sila at mas makakapag-bonding din.
Siyanga pala, may mga fan si Kris na nagwi-wish na sana ngayong darating na 2020 ay makabalik sa telebisyon si Kris!
‘Yun na!