Janine Teñoso pinatunayan ang pagiging OST Princess

Janine

Ang husay talaga ni Janine Teñoso, trending agad siya nang kantahin niya ang Tag-Araw, official soundtrack ng pelikulang Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla na handog ng Viva Films.

Ang movie ay official entry para sa Metro Manila Film Festival ngayong December na remake mula sa blockbuster Korean movie na Miracle in Cell No. 7.

Umagaw agad ng pansin sa listeners ang Tag-Araw dahil sa ganda nito na composed ni Wency Cornejo at arranged by Benjie Pating.

Si Janno Queyquep ang naggitara, habang si Joel Mendoza naman ang nag-mix at nag-master ng kanta.

Ang daming hanga sa boses ni Janine na effortless kung kumanta.

Hindi nakapagtatakang tinagurian siyang OST Princess.

Una siyang narinig sa pelikula nina Anne Curtis at Dingdong Dantes na Sid & Aya: Not A Love Story.

Show comments