Dalawang aktres na nagmaldita, inayawan ng int’l designer na si Rocky Gathercole

Rocky Gathercole

Ang participatiom ng international fashion designer na si Rocky Gathercole sa Philippine Fashion Week Spring/Summer 2020 kahapon sa Crown Plaza Hotel sa Ortigas Center.

Ilan sa international stars na nagawan na ng damit ni Rocky ay sina Britney Spears, Katy Perry, Paris Hilton, Nicki Minaj, Toni Braxton, Jordin Sparks, Carrie Underwood, Gwen Stefani, Jennifer Lopez, Paula Abdul, Beyoncé, Thalia, Paulina Rubio, Gloria Trevi, Yuri, Tyra Banks, Jason Derulo, Ashanti, Maya at Teyana Taylor.

Movie fan si Rocky at noong 14 years old siya ay naglayas siya sa kanila at tumira sa kariton sa Lawton, Manila.

Noon pa raw ay nanonood na siya ng local shows at pumupunta sa fans day ng mga artista noong 80’s kaya favorite niya sina Sharon Cuneta, Snooky Serna, Maricel Soriano at marami pang iba.

Sa Iconic concert nina Sharon at Regine Velasquez-Alcasid, siya ang gumawa ng red gown na isinuot ng Megastar sa finale ng nasabing two-night concert sa Araneta Coliseum.

Ang pagiging movie fan niya ang dahilan kung bakit enjoy si Rocky na gawan ng gowns ang ilang local celebrities.

Sa Thursday, sa Opulence Halloween event ni Raymond Gutierrez sa Solaire, si Rocky in collaboration ng isang new designer na tinutulungan niya, si Job Dacon, ang magdadamit kay Ruffa Gutierrez.

“I love our local stars, pero ayoko sa mga may attitude!” sey ni Rocky na tumangging bihisan ang dalawang aktres na nag-maldita sa kanya.

Actually, sa narating na ni Rocky sa international scene, may karapatan siyang maging isnabera, pero napakabait niya!

Simpleng-simple rin si Rocky at never niyang ikinaila na noong araw at nagpalabuy-laboy siya, pero dahil magaling mag-design at madiskarte ay ang bongga na ng career niya bilang fashion designer!

Beauty queen feeling sikat, ‘di marunong mag-smile

Sa isang occasion kamakailan ay very obvious ang pagiging isnabera ng isang beauty queen turned showbiz personality.

Kasama kasi niya ang boyfriend na may sinasabi.

Feeling ni girl ay siya ang center of attention ng mga tao sa event na pinuntahan niya.

Ni halos ayaw niyang ngumiti.

May attitude?

Well...

Ruffa ibang level ang freshness

Ang mga komento ng mga um-attend sa birthday cele­bration ni Annabelle Rama noong Saturday night tungkol kay Ruffa Gutierrez.

Ang fresh-fresh daw ni Ruffa.

Fresh si Ruffa dahil hindi siya pumatol sa isang taong gustong sirain ang freshness niya, ‘noh?!

‘Yun na!

Show comments