Hindi na palabas sa mga sinehan ang controversial cartoon movie na ABominable na pinag-usapan ang eksena tungkol sa nine-dash line (South China Sea dispute) ng China.
Nauna nang pina-boycott ang nasabing pelikula sa Vietnam dahil nga sa naturang eksena.
Pinatanggal ng government ng Vietnam ang nasabing pelikula sa mga sinehan.
Kumalat ang screenshot ng eksena kaya napa-react din ang maraming Pinoy moviegoers.
Pero hindi na masyadong pinag-initan dahil since yesterday ay wala na ito sa mga sinehan.
Kasama kahapon si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga nanawagan ng boycott and ban para sa nasabing animated film ng DreamWorks.
“For me call a universal boycott of all [DreamWorks] productions from here on,” tweet niya nung Tuesday.
Samantala, sinabi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas na naiintindihan nila ang sentiments tungkol sa eksena sa pelikula pero siniguro nitong tanggal na ito sa mga sinehan.
“MTRCB understands the situation brought about by the movie “Abominable.” We wish to assure the public that the said movie is already off the Philippine market effective yesterday, 15 October 2019.”