After nga pala ng presscon ay tsika-tsika muna ako sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.
Pakanta-kanta si Mother Lily at nasa mood siya dahil marami ang pumupuri na prinudyus nila ang Mina Anud na obviously ay isang matinong-matinong pelikula.
Panay nga ang remind niya na um-attend ako sa Cinemalaya 2019 on August 10 dahil closing film daw ang Mina Anud.
Si Roselle naman, sinabihan ako na, “Sabihin mo kay Ruffa (Gutierrez), panoorin ang Stranger Things sa Netflix dahil may eksena roon na pinanood siya ng cast,” sey ni Roselle kaya tinawagan ko si Ruffa at kinausap naman siya ni Mother Lily.
Kinumusta ni Mother Lily si Ruffa at sa tono ng usapan nila, parang gusto ng Regal producer na gumawa ng pelikula with Ruffa. Maya-maya, si Roselle naman ang kumausap kay Ruffa.
Nang tawagan ko uli si Ruffa habang nata-traffic nga kami ni Gorgy ay ikinuwento niya na balak ni Mother Lily na gumawa uli ng Shake, Rattle & Roll, pati na ng Regal Shocker.
‘Yung mga eksenang pinapanood kasi ng cast ng Stranger Things sa Netflix ay mga eksena sa Regal Shocker.
Sabi ni Ruffa, dapat lang daw na i-revive nina Mother Lily ang Shake, Rattle & Roll.
Samantala, ayon nga pala kay Roselle, hindi siya na-suprise na ginamit sa Stranger Things ang mga eksena ng Regal Shocker dahil pinagpaalam sa kanila ‘yon.
Si Ruffa naman, natuwa dahil marami raw nagmi-message sa kanya sa social media na napanood ‘yon.
For sure, sa birthday lunch ngayon ng panganay ni Ruffa na si Lorin ay magiging topic ng usapan namin ang eksenang ‘yon sa Stranger Things.
Ang bongga!
‘Yun na!
Gerald hinihintay ang mga sasabihin!
Marami nagsasabing dapat na raw magsalita si Gerald Anderson at ibigay ang kanyang side tungkol sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.
Obvious kasi na marami ang kampi kay Bea.
Tutal naman daw ay nag-comment si Gerald sa isang posting na “There’s always two sides to every story” sa social media ng isa niyang fan, kaya dapat lang daw na ibigay na ng aktor ang side niya.
Well...
Showbiz events apektado sa ulan
‘Kaloka ang sobrang ulan kahapon, Ateng Salve. Ang tindi rin kasi ng baha na siyang dahilan kung bakit mas tumindi pa ang traffic.
Akala ko nga hindi na ako makakaabot sa presscon ng Mina Anud ng Regal Entertainment, Inc., buti na lang at late na rin silang nag-start dahil marami nga sa entertainment press ang na-late.
Sa cast, dumating naman sina Dennis Trillo, Gerald Napoles at iba pa, pero si Matteo Guidicelli, wala.
After ng presscon, naipit kami ni Gorgy Rula, kaya napilitan kaming maghanap ng malapit na coffee shop at doon muna kami nag-stay para makapag-deadline.