Mars… nina Camille at Iya, hindi nalagpasan ang Magandang Buhay!

Ang ratings noong Monday ng Magandang Buhay ng ABS-CBN at Mars Pa More (pilot episode) ng GMA-7 noong Monday.

Mas mahaba ang oras ng morning talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na ang guests ay sina Daniel Padilla at Ian Veneracion, compared sa new morning talk show nina Camille Prats at Iya Villania na ang guest ay si Alden Richards.

Sa national ay nakakuha ng mas mataas na ratings ang Magandang Buhay kesa sa Mars Pa More. Sa urban ay lamang pa rin ang Magandang Buhay kesa sa huli.

Nakakuha naman ng mas mataas sa rural ang Kapamilya show kesa sa Kapuso show.

Sa mega at metro ay walang dudang mas lamang pa rin ang Magandang Buhay sa Mars Pa More.

Kahit 77 na, Eddie Gutierrez aktibo pa rin

May special participation si Eddie Gutierrez sa bagong series ng ABS-CBN, ang Killer Bride.

Tuloy-tuloy ang taping ng nasabing series at sobra nilang kina-“career” ang pilot episode ng series na ‘yon na isa si Joshua Garcia sa magbibida.

Going back to Tito Eddie, sobrang active pa rin ang Gutierrez patriarch sa paggawa ng showbiz projects kahit 77 years old na siya noong February 6.

May isa pa siyang series na sisimulan sa Kapamilya network.

Isa nga pala siya sa ICON awardees sa The EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na gaganapin sa New Frontier Theater on July 14.

Ang iba pang awardees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos-Recto, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Anita Linda, Dante Rivero, Celia Rodriguez at Lorna Tolentino.

Masaya si Tito Eddie, pati ang buong pamilya niya sa karangalang ibibigay sa kanya ng SPEEd on Sunday.

Mayor Isko naging popular hanggang L.A.

Alam mo, Ateng Salve, marami akong friends from Los Angeles, California na nagre-request na kapag umuwi sila ng Philippines ay dalhin ko naman sila kay Manila Mayor Isko Moreno.

Gustung-gusto nila na first week pa lang ni Isko bilang mayor ng Manila ay marami na kaagad siyang nagawa like ang pag-aayos ng kalsada sa Divisoria na dahil naghigpit sila sa mga nagtitinda sa kalsada ay mas madali na ang pagpunta ngayon sa lugar na ‘yon dahil mas nadadaanan na ang kalsada sa lugar at luminis pa.

Ang bongga nga ng image ni Isko sa mga kababayan natin sa L.A. na nakakatsikahan ko, huh!

Show comments