Imago may bagong bokalista!

Nagbubunyi ang fans sa pagbabalik ng bandang Imago at sa pagbuhay din muli ng kanta nilang Akap.

Ang grupo ay binubuo nina Kiara San Luis (vocals), Myrene “Maps” Academia (bass), Tim Cacho (guitar), Zach Lucero (guitars), at Mervin Panganiban (drums).

Marami ang nakaka-miss sa boses ni Aia De Leon na nag-solo na ng career, pero hindi ito dahilan para itapon na lang ng basta ang kanilang banda, kaya naman ngayon ay pinalitan na ito ni Kiara.

Malaking challenge ito para sa bagong vocalist dahil paniguradong hindi maiiwasang maikumpara ang boses niya kay Aia. Ganunpaman, nasa likod naman niya ang mga kabanda at handa siyang ipagtanggol.

Pangako ng banda na hindi nila bibiguin ang kanilang fans sa kanilang pagbabalik. Marami mang changes sa kanilang grupo, hindi naman magbabago ang solid nilang tugtugan.

Show comments