Sweet and thoughtful na asawa si Boots Anson-Rodrigo dahil siya pa ang nag-remind sa kanyang mga kaibigan sa press tungkol sa 50th wedding anniversary nila ni Atty. King Rodrigo noong June 14, 2019.
Kinaiinggitan ang relasyon nina Boots at Atty. King dahil para silang mga teenager na demonstrative sa pagpapakita ng pagmamahal nila sa isa’t isa.
At dahil sa kanilang wedding anniversary noong Biyernes, nag-share si Boots ng mga ilang impormasyon tungkol sa pagsasama nila ng kanyang 75-year-old husband.
“It was a uniquely “fun” wedding. The groom was walked to the altar by his 99-year-old mother, Mrs. Remedios Enriquez Rodrigo (RIP 2018). Cardinal Tagle set the laughing mode by starting the nuptial rites with a public confession: “This is the first time I am marrying a couple much older than me”. True enough, some curious onlookers thought they were attending a golden wedding anniversary mass.
Ninongs and Ninangs, Mayor Joseph Estrada, Susan Roces, Marichu Vera Perez Maceda, Tina Xerez Burgos, Raul de Mesa and Eddie Roa were very upbeat about their “inaanaks” being parallel in age.
Imagine the bride and groom making “mano” to them. It really evoked giggles and amused laughter, while tugging at the guests’ heartstrings.
The biggest and funniest announcement from the couple was that one year after, guests are all invited to the baptism of their first-born, John – John Rodrigo, never mind that the Guinness Book of World Records would beat them to the occasion.
Flash forward to June 14, 2019. Absent Baby John-John, King and Boots are still in the honeymoon mode, celebrating their 60th monthsary, each marked by white roses and a romantic ditty in rhyme and meter from the makatang abogado”, King.
As befits his name, King accords me the Royal treatment, fit for a queen. His chivalrous gestures have not waned: still opens car doors; serves and spoon feeds at dinner; brings pasalubong from work; showers me with gifts on birthdays and other occasions, takes me travelling from as near as our weekend home in Tagaytay to as far as The Holy Land; ends his texts messages and phone calls with “I Love you” and provides for the home and family most dutifully and generously.
As my husband, he can’t be a “Sugar Daddy” to me so let me just call him my “Azucarera de Papa”.
Eddie magising na sana
Dahil siguro sa nasa sulok ng utak at puso ng mga taga-showbiz si Eddie Garcia, ewan ko
kung bakit pumasok siya sa panaginip ko, Salve.
Nagulat ako sa afternoon nap ko dahil parang totoo ang nakita ko sa panaginip ko. Yakap-yakap ni Gabbi Garcia si Eddie at tatlo sila nina Direk Toto Natividad na nag-uusap. Hinihimas ni Eddie Garcia ang ulo ng umiiyak na si Gabbi, sinasabi na “Don’t cry, it will be ok.”
Hinarap niya si Direk Toto at sinabi “Make it good, so everytime they watch Rosang Agimat, they will always remember me.” Siguro sa katayuan at lagay ni Eddie Garcia bilang number one pinaka-professional na actor, kilalang hindi nagiging cause of delay, matiyagang naghihintay sa set at never maging dahilan para ma-pack up ang anuman ginagawa niya, subconsciously nandun ang wish na sana hindi siya ang dahilan para sa anuman kahihinatnan ng Rosang Agimat.
Siguro nasa isip ni Eddie Garcia na tuloy ang trabaho ng lahat, na maging malaking tulong siya sa career ni Gabbi Garcia na huwag sanang masisisi o mahinto ang trabaho ni Direk Toto Natividad at sana, matulungan niya pa rin ang proyektong ginagawa.
Sana nga totoo ang panaginip ko. Sana nga maganda ang maging resulta ng lahat. Sana nga maayos ang maging trabaho. Sana nga magkaroon na ng medic sa set at kung medyo malayo, may naka-standby na ambulance. Sana nga gising na si Eddie Garcia at kausap sina Gabbi at Direk Toto. Sana nga, sana nga....