Alam mo, Ateng Salve, bilib ako kay Karla Estrada.
Kahit sobrang busy kasi ang nanay ni Daniel Padilla, very accommodating siya kapag tine-text ko para magtanong ng balita tungkol sa kanyang anak.
Kahapon ay tinext ko si Karla para tanungin kung alam ba niya na darating sa Manila House Private Club sa BGC (Bonifacio Global City) para sa birthday salubong ng anak ang girlfriend ng binata na si Kathryn Bernardo o katulad ni DJ (tawag nila sa binata) ay na-surprise rin siya?
“Hindi ako na-surprise kasi sinabihan na ako ni Kath habang nasa Hong Kong pa siya. So, alam ko na darating siya sa birthday salubong ni DJ. Aware ako,” sey ni Karla.
Pero, totoo bang na-surprise si Daniel? Hindi ba ito nakatunog o umasa rin naman ito na uuwi ang girlfriend mula sa Hong Kong?
Noong Holy Week kasi ay sinurprise ni Daniel si Kathryn nang dalawin niya ito sa Hong Kong habang nagsu-shooting ng Star Cinema movie with Alden Richards.
“Hindi naman siya (Daniel) nagduda, pero parang alam niya rin naman!” sey ng nanay ng aktor.
So, reading between the lines sa sinabi ni Karla, parang umasa rin naman talaga si Daniel na isu-surprise siya ni Kathryn sa birthday salubong party na ‘yon, huh!
Eh, malapit lang naman kasi ang Hong Kong, kaya posible namang gawin ‘yon ni Kathryn, kaya kung ako naman kay Daniel ay aasa talaga at mabuti na lang ay ginawa ‘yon ng dalaga dahil hindi nauwi sa wala ang sinabi ni Karla na “parang alam rin naman” ng anak na darating talaga roon ang girlfriend!
Tagalog movie wini-wish na pilahan din tulad ng pila sa Endgame
‘Kaloka ang pila sa pelikulang Avengers: Endgame sa Promenade Mall sa Greenhills, San Juan kahapon.
Actually, sa lahat naman yata ng mga sinehan, sobrang pila sa nasabing Hollywood movie, huh!
Kailan kaya uli magkakaroon ng ganoong kahabang pila sa isang Tagalog movie?
Well, sana, soon... sana, very soon!
O, kaya naman sana, pilahan na ng ating mga kapwa Filipino ang Tagalog movies na ipinapalabas sa mga sinehan, ‘noh?!
Fashion designer nabubuwisit na sa mga stylist
Imbiyerna ang isang fashion designer na nakatsikahan ko.
Dahil daw sa ilang stylist na taga-pull-out ng damit ng mga artista, paminsan-minsan na lang daw na may mga artista na nagbabayad para magpagawa sa kanila ng gown.
Ang mga stylist lang daw ang kumikita dahil bayad ang mga ito sa mga artista.
“Ewan ko sa ibang (fashion) designers, pero ako, hindi pumapayag na basta mag-pull-out ang mga stylist sa akin. Ang mahal na rin ng tela ngayon, ‘tapos ang mga stylist lang ang kumikita sa mga artista.
“As if naman palagi kaming napapasalamatan,” sey ng fashion designer na nakausap ko.
Well... ‘Yun na!