Hindi mo aakalain na mahigit apat na dekada na pala na masayang namumuhay sa mundo si Janjep Carlos, napiling pinaka-latest Mr. Gay World Philippines at nakatakdang makipagcompete sa Mr. Gay World na magaganap sa Cape Town, South Africa sa April 28- May 5, 2019.
Sikreto ng kanyang pagiging mukhang bata ay ang palaging pagwu-work out at magandang attitude sa buhay. Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng isang masayang ka-partner sa buhay na hindi lamang nagpapasigla sa kanya kung hindi nagbibigay pa sa kanya ng inspirasyon para panatilihing masaya at palaging striving to reach a good life.
Gagawin niyang isang magandang pagkakataon ang pagiging Mr. Gay World Philipine para maibahagi ang advocacy niya tungkol sa mental health awareness. With love and understanding of people undergoing depression this illness can be transformed into wellness. I will carry my advocacy in the international level, and hope that the global community will support me,” pag-asam niya.
Nanggaling na si Janjep sa Cape Town, South Africa at bumisita sa Cape Mental Health, isang mental rehab na tumutulong sa mga mahihirap na komunidad.
Nasa pagsasanay si Janjep ng KF (Kagandahang Flores) Camp na pamumuno ni Rodgil Flores.
Sharon isa’t kalahating oras na-late
Inabot ng siyam-siyam sa paghihintay ang mga imbitado sa mediacon at send off sa Mr. Gay World Philippines dahil nahuli ng dating sa okasyon ang mga taga-TV na magku-cover sana ng event. May nauna silang event na dinaluhan, ang presscon ng isang horror film ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan ay isa’t kalahating oras itong late na dumating kaya naapektuhan ang susunod nilang assignment na pinagtiyagaang hintayin ng mga myembro ng media. Hindi naman nasayang paghihintay nila dahil masarap ang food at magaling mag-asikaso ang nag-imbita at organizer ng event.
Mga bata sa Nang Ngumiti… kinabibiliban!
Without really trying, madalas naagawan ng eksena ni Miguel Vergara ang kapwa niya child star at bida sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na si Sophia Reola. Lovable ang character ni Miguel at nagugustuhan din ng manonood ang kakulitan ng role niya. Sa pagiging friend ni Heart Ramos sa mga character nila, bumabalik ang pagkagusto kay Heart ng mga manonood. It is Matet de Leon who has the bigger role sa bagong serye.
L.A. patok sa isang linggo...
Sa kabila nang sinasabi niyang hindi mahigpitan at tahimik na laban niya sa pulitika sa kanyang hometown sa Bicol, hindi na nagawang lumuwas ng Maynila ni Imelda Papin para kantahan nga kanyang mga tagahanga dito. Mabuti na lamang at malakas ang clamor para sa kanta niyang Isang Linggong Pag-ibig na may bersyon ni L.A. Santos, at in demand sa internet naaalala pa rin siya ng mga tagahanga niya. Tama lang ang ginawa niyang pagpili sa guwapo at baguhang singer para i-revive ang Isang Linggong Pag-ibig, muli maaalala ang kanta at si Imelda at si L.A. ay mas mapapasikat pang kanta.