Gretchen Barretto sinumbatan ang mga pinagsasabi ng pamangkin!

Matapos dumugin ng bashers at akusahang walang respeto sa amang si Kier Legaspi, si Gretchen Barretto naman ang bumuwelta sa mga pinakawalang salita ng pamangking si Dani Barretto, anak ni Kier kay Marjorie Barretto.

Pinagdiinan kasi ni Dani sa kanyang vblog na ang mommy lang niya ang nakasama niya sa buhay.

Kaya bumuwelta si Gretchen sa pamamagitan ng mala-digital presscon sa kanyang IG account with Claudine. “I’d like to refresh everyone’s memory, when Marjorie was pregnant, she lived in my house in Blue Ridge. You know, I don’t know if you (Dani) know that, but your mom... and Tita Dolor (Guevarra) knows that because she would visit me. So, Marjorie lived with me when she was pregnant.

“Kier was, if I’m not mistaken, less than 20 years old or 20 years old. So I know that he was working, Kier was doing movies.

“Nung nag-uumpisa pa lang siya, he was not naman earning a lot, a lot of money…

“So Dani, when Dani was born, Marjorie was living in my house,” bahagi ng pahayag ni Gretchen na hindi man active sa kanyang career ay active naman sa pagsagot sa mga intriga sa social media.

“Nagtatrabaho ako. Ako po ang nagbayad ng hospital bills. Natural, pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid ko na minamahal ko.

“She needed a yaya, Yaya Susan, ako po ang nagsuweldo...

“Hindi po ako nagyayabang. I’m just trying to refresh the memory of everybody,” dagdag pa niya.

Sinabi nga kasi ni Dani na ang mommy Marjorie lang niya ang nag-isang nagpalaki sa kanya.

 “So, parang ngayon, yung sinabi na, ‘My mom was the only one who’s there for me who raised me alone, on her own...’Ano ako, multo? Ano si Claudine, multo?

“Parang for me, ouch. Di ba, parang ouch!”

Nauna nang naglabas ng sulat ang tatay ni Dani na si Kier na hindi nagalit sa ginawa ng anak na malaking hirap diumano ang pinagdaanan niya bago makita ang anak.

Show comments