Patricia pursigido sa kanyang pagtuturo

Patricia Tumulak

MANILA, Philippines — Nananatiling pursigido ang Kapuso TV host-actress na is Patricia Tumulak sa kanyang pagmamahal sa pag-arte at ang pagiging advocate sa pagbabasa.

Gumaganap ngayon si Patricia bilang Queenie sa pinakabagong serye sa GMA Afternoon Prime, ang Inagaw Na Bituin na inuulan ng magaganda feedbacks at mataas na ratings.

Masayang-masaya ang aktres sa panibagong challenge na kanyang ginagawa, ang pagsabayin ang pag-arte at ang pagho-host.

“I’m so grateful sa GMA kasi they trust me when it comes to hosting and acting. So kahit anong ibigay na opportunity, I’ll do my best. Nakakataba rin ng puso yung love from my family, friends and viewers na hindi nagsasawang sumuporta.”

Bukod pa rito, sinisigurado raw niyang nananatili siyang committed sa iba niyang gustong gawin sa labas ng entertainment scene. Hindi pa rin daw nawawala ang pagmamahal niya sa pagtuturo na ikinukunsidera niyang kanyang first love. Patuloy lang daw siya sa pag-explore ng mga magaganda at exciting na bagay.

Graduate si Patricia ng Early Childhood Education at pangarap niyang magkaroon ng sariling preschool balang araw.

Sa tulong ng kanyang proyektong Push to Read, unti-unti na niyang naisasakatuparan ang kanyang pangarap.

“With my line of work now, I can’t do full time so I thought of making my own initiative wherein I can squeeze time in between work or during my free time to be with kids and educate them,” pagbabahagi ni Patricia.

Noong nakaraang taon naman ay naglunsad din siya ng proyekto sa Bacolod, dahilan para ma-motivate siyang gawin nang nationwide ang kanyang isinusulong.

“I gather kids from different barangays to conduct a story telling. Aside from sharing my blessings, my mission is to instill the love of reading to kids by helping develop their imagination and creativity.”

Show comments