Dapat pala three years pa ay nasa GMA Network na si Empress Schuck, pero nang magsimula na siya noon, saka naman siya nagkaroon ng unplanned pregnancy, kaya wala rin siyang nagawa kundi huminto muna. But now, she’s back sa GMA Network na ulit.
“Freelancer po naman ako, kaya puwede akong gumawa ng projects sa dalawang network,” sabi ni Empress. “Happy ako nang after ng Asintado ko sa ABS-CBN dumating ang offer ng GMA at ito ngang Hiram Na Anak ang ginagawa namin nina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Lauren Young at Paolo Contis.”
Pero bago iyon, nag-guest muna si Empress sa My Special Tatay bilang ang young Lilet as Isay sa toprating Afternoon Prime na pinagbibidahan ni Ken Chan.
Hindi ba siya hirap mag-taping lalo na at medyo malayo ang location nila?
“Hindi po naman, kailangan ko lamang gumising nang maaga para hindi ako ma-traffic going to Angeles, Pampanga,” sabi ni Empress. “Medyo okey na ang baby namin, si Athalia, dahil three years old na rin siya at pumapasok na sa toddler class. Mayroon akong yaya at isang relative na nakatira sa bahay para may kasama sila kapag wala ako o ang daddy niya. Minsan naman, free ang schedule ng daddy niya kaya sila magkakasama sa bahay kapag may taping ako. Masarap nang laruin si Athalia,”
After giving birth nga raw kay Athalia, ang anak na ang naging priority ni Empress, na siyang nagbibigay ng saya sa family nila.
Sa Hiram Na Anak, si Empress ay si Wena, a doting yet naive department store saleslady who falls for Benjo (Paolo). Magkakaanak sila pero hindi matanggap ni Wena na may isa pa silang kasama sa bahay, si Dessa (Lauren) na girlfriend din ni Benjo.
“Palaban po si Wena.” at siya ba ang ina ng magiging anak nina Miren (Yasmien) at Adrian (Dion)?
Today, at 11:15AM, huhusgahan na ang bagong morning teleserye ng GMA-7 bago ang Eat Bulaga sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.
Glydel first time ma-’obsessed’!
Nakakatawa ang description ni Glydel Mercado sa role niya bilang si Julia sa pinag-uusapang primetime series na Kara Mia.
“Ibang-iba ang character ko rito kaysa sa The Stepdaughters na love triangle rin,” sabi ni Glydel. “First time kong gaganap na obsessed sa dati kong boyfriend played by John Estrada. Nakakatawa, para akong bakla sa dialogue ko.”
At napanood na nga ito sa Kara Mia last Friday evening at sabi ni Glydel, marami pang eksenang ganoon ang gagawin niya dahil gusto niya talagang maagaw si Arthur (John) sa asawa nitong si Aya (Carmina Villarroel). Pero paano iyon, papasok naman ang character ni Iswal (Mike Tan) na obsessed naman sa pagmamahal kay Aya na gusto niyang makuha at ang kanilang anak, sina Kara at Mia?
Matutuwa na ang netizens na nagri-request kung pwedeng malalaki na sina Kara at Mia na ginagampanan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, tulad nang una silang nag-appear sa pilot episode nila. Napapanood ang Kara Mia pagkatapos ng 24 Oras.