Itinuturing ni Karla Estrada na napakalaking achievement ang kanyang ginanap na 44th birthday last November.
Bonus naman niyang maituturing ang concert niyang The Music Within, na mapi-feature mamayang gabi sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice.
Naging special guest si Karla sa nabanggit na concert ang superstar son niyang si Daniel Padilla. And, of course, ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla.
People close to Karla hope na bago sana siya mag-turn 45 years old this year, matupad ang pangarap niyang makagawa ng movie bilang bida. In her years as a Regal Baby kasi, ‘di daw natupad ang pangarap niyang magkaroon ng movie na title role siya.
Well, sana nga, matuloy na finally ang pagsasa-pelikula ng Barna, na ewan kung kailan sisimulang isapelikula.
At ang dagdag na tanong: Si Liza Soberano pa rin kaya ang gaganap bilang Darna?
Repeat: Tanong lang, ha.
Robin target ang international market
Hindi marahil alam ng iba lalo na ng millennials na si Robin Padilla ay nanggaling din sa political family.
His dad, the late Roy Padilla, Sr., ay naging Governor ng Camarines Norte. Ang lolo naman niyang si Carlos Padilla, Sr. ay naging Bulacan Governor.
Of his dad, naging cabinet member din si Sir Roy during the late president Cory Aquino’s administration.
Kaya naman hindi mahirap kay former General Ronald “Bato” dela Rosa, na tatakbong senador sa May 2019 elections, na maging attached kaagad kay Robin, lalo’t nang simulan nang mag-siyuting ang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.
Ganun pa man, Robin assured everyone that his film about General Bato is not a propaganda material meant to boast the candidacy ni General Bato. Ang pelikula raw ito ay para maging inspirasyon na ‘di hadlang ang kahirapan, para umasenso sa buhay ang isang tao. Tulad ng nangyari kay General Bato, na galing sa mahirap na pamilya sa Davao City. Nagsikap itong makapag-aral. He finished Education at the Mindanao State University.
He joined the police force, rose from rank, hanggang siya ay maging heneral.
Produced by Arnold Vegafria’s ALV Production and released by Regal Entertainment, kasama rin sa pelikula sina Beauty Gonzales, Ricky Davao, Efren Reyes, Jr., Polo Ravales, Kiko Matos, Joko Diaz at ang young stars na sina Kiko Estrada at Alyssa Muhlach.
Si Adolf Alix, Jr. ang director ng said movie.
Umaasa si Robin na matapos maipalabas ang Gen. Bato…, na hitik daw sa aksyon na muling nanumbalik ang ganang manood ng action films ng mga tao.
Pero, siyempre pa, aniya, kailangang may pagbabago sa presentation nito. At isa na rito ang pakikipaglaban gamit ang Filipino martial arts.
Sure si Robin that with this new approach sa action movies, ‘di lang Filipino moviegoers ang magkaka-interes manood kung hindi maging ang foreigners din.
This might pave the way even para finally ma-hit na totally ng Filipino films and international market.
Harinawa, Robin.
Tonight din…
Ngayong gabi rin eere ang The Boobay and Tekla Show (TBATS), top billed by comedians Boobay and Tekla.
Nakakatapat ng show ni Vice Ganda ang show nina Boobay at Tekla.
Well, for everyone’s information lang.