Pacman pinayagan na ang junior na maging boksingero

Jimuel

Matapos masungkit ni Catriona Gray ang ika-apat na korona ng Miss Universe para sa Pilipinas nung nakaraang December 17, 2019, ang Pinoy boxing hero at politician na si Sen. Manny Pacquiao naman ang sumunod na muling nagdala na karangalan sa bansa nang talunin niya by unanimous decicison ang 29-year-old American professional boxer na si Adrien Broner sa kanilang laban nung nakaraang Linggo ng umaga (Philippine time) na ginanap sa MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada.

Although hindi napatumba ni Pacman si Broner na umabot sa ika-12 round, sa simula pa lamang ng laban ng dalawa ay llamado na ang Pinoy boxing hero considering na 11 taon ang tanda ni Pacquiao na 40 na habang 29 pa lamang si Broner.

Samantala, pinayagan na rin ng boxing champ at senator na si Sen. Manny Pacquiao ang kanyang panganay na anak na si Emmanuel “Jimuel” Pacquiao, Jr. na pasukin na rin ang boxing career.

Kung ang mag-asawang Manny at Jinkee lang sana ang masusunod ay ayaw nila na pasukin din ni Jimuel  ang pagbu-boksing dahil mahirap ang isang boksingero pero hindi  mapigilan ang hilig ng kanilang panganay na madalas makitang pinapanood sa internet ang mga laban ng kanyang ama.

Ang mag-asawang Manny at Jinkee ay may limang anak. Bukod kay Jimuel, ang apat pang iba ay sina Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel Pacquiao.

Big Bang member at Sandara, nag-duet ng Pinoy song

Hindi alintana ng mga Filipino fans ang presyo ng tickets sa solo concert ng isa sa limang miyembro ng Big Bang na si Seungri (Lee Seung-hyun) na ginanap sa MOA Arena nung nakaraang Sabado ng gabi, January 19 kung saan ay naging special guest niya ang kapwa niya Korean K-Pop star na si Dara Park (Sandara Park) na unang sumikat sa Pilipinas. Ang naturang concert ay pinamagatang The Great Seungri Tour 2019: Live In Manila.

Nasa audience ang K-Pop fanatic na si Anne Curtis at kasamahan nito sa It’s Showtime, ang Korean national na si Ryan Bang na tinawag on stage ni Sheungri to the delight ng mga Filipino and Korean fans.

Sayang at hindi nakapanood ang binata ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual dahil kung naroon siya, tiyak na matutuwa siya na kinanta nina Seungri at Dara ang kanyang hit song.

Yen palobo na nang palobo?!

Mukhang tumataba ang isa sa mga lead stars ng top-rating primetime TV series ng Kapamilya Network na Halik na si Yen Santos.

Maituturing na biggest break kay Yen on TV bilang lead star ang Halik na tinatampukan din nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yam Concepcion habang ang tambalan nila ni Piolo Pascual in 2017 sa  Northern Lights: A Journey To Love naman sa pelikula.

Since isa na siyang lead star, dapat pangalagaan ni Yen ang kanyang katawan dahil unti-unti na siyang lumulubo.

Show comments