Tuloy pa rin pala ang cooking show ni Helen Gamboa sa Cignal TV. Sayang at walang nagka-interes na isahimpapawid ito on free TV. Sana, mas maraming makapanood.
In real-life, expert cook si Helen. Ang kanyang expertise ay gumawa ng fresh salad.
Samantala, magiging busy na nga pala siya sa mga susunod na buwan dahil tatakbo ang kanyang only son na si Gian Sotto bilang Vice Mayor ng Quezon City, running mate siya ni Joy Belmonte, ang kasalukuyang Vice Mayor ng QC na tatakbo naman bilang Mayor ng siyudad.
Now on it’s third term naman as QC Mayor, Herbert Bautista is not running for any political office in the coming May 2019 elections.
Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, si Helen ay asawa ng kasalukuyang Senate President na si Tito Sotto and younger sister ng nanay ni Sharon Cuneta na si Elaine Cuneta.
In her time, do you know that Helen was considered a dance and song showbiz personality?
Isa siya sa mga importantent contract talent noon ng film firm na Lea Productions, owned by Mrs. Emilia Blas.
She was a favorite leading lady too, to many popular actors. Isa na riyan si Fernando Poe, Jr.
Marco paghihintayin muna ang puso
Marco Gumabao thinks everything is going right for him as an aspiring actor, pangarap daw niya na maipareha kay Anne Curtis at makagawa ng project kasama ito at nagkatotoo nga dahil sa pelikula nilang Aurora na entry nila sa Metro Manila Film Festival na idinirek ni Yam Laranas. Gumanap siya rito bilang leading man ni Anne.
Ngayon naman ay kasalukuyang niyang ginagawa ang pelikulang Ulan kung saan kasama niya sina Nadine Lustre at Carlo Aquino.
Araw-araw naman tuwing weekdays, napapanood siya sa seryeng Los Bastardos kasama sina Jake Cuenca, Albie Casiño, at Joshua Colet, plus Ronaldo Valdez.
In real-life, Marco’s Dad is former actor-politician, Dennis Roldan, who is serving a lifetime sentence at the New Bilibid Prison. His Mom naman ay si Loli Imperial na dating isang ramp at commercial model.
Tiga-Bicol din si Loli, tulad ni Barbie Imperial, na nalaman niya kamakailan na isa pala nilang kamag-anak.
Of Marco, dati siyang Star Magic talent at ngayon ay sa Viva Artists Agency na siya. He swears na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Hindi raw totoo ang bali-balitang nanliligaw siya kay Janella Salvador.
“My goal right now is to become a good actor. This is what I promised to both my mom and dad, kaya paghihintayin ko muna ang pag-ibig,” pagtatapos ni Marco.
Ryza ‘di broken hearted kay Cholo
Kumpirmado nang hiwalay si Ryza Cenon sa boyfriend nitong si Cholo Barretto, ganunpaman, obviously na hindi apektado rito si Ryza. Yes, base sa kung gaano pa rin siya ka-dedicated sa kanyang trabaho.
Gabi-gabi pa rin siyang napapanood sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kasama rin siya sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza na entry sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2018.
Two weeks from now naman, mapapanood na siya sa bagong serye na ipapalit sa Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.