Malaking karangalan para kay Mark Zambrano na GMA news correspondent/broadcast journalist at fiancé ng Kapuso singer-actress Aicelle Santos, na mapili bilang isa sa hosts ng 23rd Asian Television Awards.
Magaganap ang ATA sa January 12 sa Borneo Convention Centre in Kuching, Malaysia.
Kinumpirma sa Instagram account ng ATA ang pagiging isa sa hosts ni Mark kasama sina Adrian Jalaludin, May Wan and Choy Wan.
“A warm welcome to our next host, GMA News reporter Mark Zambrano!” ayon sa caption na pinost ng ATA sa IG.
Labis ang pasasalamat si Mark sa pambihirang pagkakataon na binigay sa kanya ng ATA.
“Truly honored and excited to be hosting the 23rd Asian Television Awards in Kuching Sarawak this January 12, 8pm Malaysia time. Don’t miss it!”
Hindi lang si Mark ang Pinoy na mapapanood sa gabi ng Asian Television Awards dahil invited performer sina Gary Valenciano at ang anak nitong si Kiana Valenciano.
Makakasama nilang mag-perform ang mga sikat na Asian singers na sina Gina Tan from Singapore, Trong Hieu from Vietnam at Alvin Chong from Malaysia.
Nakatanggap naman ng nominations ang ilang shows ng Pilipinas tulad ng The Bottom Line with Boy Abunda (best talk show); Basketball Science (best sports program); Boy Abunda (best current affairs presenter); Carlo Pamintuan (best sports presenter/commentator); Maja Salvador (best actress for Wildflower); Adrian Alandy (best supporting actor for Tabi Po The Series) and Mi Amor (best theme song for Tabi Po The Series).
Bianca sumasakit ang tenga sa pagsisid
Pinag-aaral na ng BiGuel Loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tamang pagsisid sa ilalim ng dagat para sa kanilang magiging roles sa bagong teleserye ng GMA-7 na Sahaya.
Kailangan daw kasi nilang matutunan ang tinatawag na “free diving” o ang pagsisid na hindi kinakailangan ng anumang breathing apparatus. Gaganap kasing mga Badjao sina Bianca at Miguel.
Mahusay lumangoy ang mga Badjao na hindi nila kailangan ng oxygen tank sa ilalim ng dagat.
“Una siyempre medyo mahihirapan po kayo and masakit sa tenga kasi ‘yung pressure under water. Pero kailangan po ng practice, kailangan po ng knowledge about sa free diving,” sey pa ni Miguel.
May background naman daw si Bianca sa scuba-diving, pero iba raw ang free diving dahil kailangang matutunan mo ang tamang paghinga bago sumisid.
Dating bahay nina Ben Affleck at Jennifer Garner, malaki ang na-discount ni Adam Levine
Dahil sa divorce ay kinailangang ibenta ng Hollywood actor na si Ben Affleck ang Pacific Palisades home nila ng ex-wife niyang si Jennifer Garner.
Mabilis naman na nabili ito at ng Maroon 5 frontman at The Voice coach na si Adam Levine sa halagang $32 million.
Malaki ang naging discount ni Levine sa palatial property ni Ben dahil ang original price nito ay $45 million.
The ranch-style estate features a swimming pool, outdoor basketball court, art studio, gym and a screening room, two-bedroom, three-bath subterranean guesthouse and a whole other building that housed the gym and art studio.
The main residence has five bedrooms and eight bathrooms at ang sukat ay 8,800-square-feet.