Pinagtanggol ng Kapuso singer-actor na si Mikoy Morales ang kaibigan niyang si Kristoffer Martin dahil sa nangyaring pambabastos dito ng isang babae sa isang restaurant.
Para sa tulad daw nila ni Kristoffer, hindi raw importante kung makilala sila o hindi ng mga tao. Ang hindi lang daw katanggap-tanggap ay ‘yung harapan na pambabastos, lalo na kung nanggagaling pa sa isang babae.
Heto ang naging rant ni Mikoy sa Twitter na sana’y mabasa raw ng bastos na babaeng iyon.
“Okay, here’s the thing: I don’t know with other artists, but I genuinely don’t care if I do or don’t get recognized in public and I say this with all sincerity, and humility. It used to bother me when people didn’t (or did), but… I worked hard, and still do, to teach myself not to lean on these petty things. It derails me from my path and limits my actions. But you know what ticks me off?
“When people feel entitled over you just because you’re not ‘sikat’. Hindi mo ikina-cool yang hindi mo pagkilala sa artista/singer/dancer/etc. at kinailangan mo pang i-impose na hindi ka baduy kasi you “don’t watch T.V.” Why? I mean, does it make you feel good about yourself?
“Andito ako bilang tao, at tatratuhin kita bilang tao. It’s that simple. Bakit kailangan magparinig? Or worse – mang maltrato? Under no circumstance does anyone has the right to belittle anyone. It’s rude and pointless.
“On a bigger aspect, this is proof that our ‘artistas’ in general are glorified and are often put on pedestals too high that authenticity is left below and is condemned by the public. Pero sa totoo lang, pare-parehas lang naman tayong tao. #equality nga, di ba?”
Marcus nakaranas ng panghuhusga sa barko
Nagbabalik showbiz ang former sexy actor na si Marcus Madrigal at nakasama siya sa award-winning Metro Manila Film Festival 2018 official entry na Rainbow’s Sunset.
Huling napanood sa telefantasya na Darna noong 2009 si Marcus at pati na sa mga indie films na The Guerilla Is A Poet at Ang Huling Cha-Cha Ni Anita.
Nagtrabaho sa isang cruise liner si Marcus dahil meron na itong pamilya na binubuhay. Nag-aral daw ito ng culinary arts at natanggap daw siya para magtrabaho sa isang international cruise liner.
Hindi raw naging madali kay Marcus ang magtrabaho sa cruise liner dahil nga nasanay na siya sa matagal na panahon bilang artista.
Naranasan daw niyang paglaruan siya ng co-employees niya dahil sa pagiging artista niya dati.
Pero nasanay rin daw si Marcus at noong matapos ang kontrata niya, nagdesisyon itong bumalik sa pag-arte at nabigyan nga siya ng role sa teleserye ng GMA-7 na Ika-5 Utos.
Demi balik na sa normal
Isa sa naging kontrobersyal na issue sa Hollywood noong taong 2018 ay ang pag-overdose ng singer na si Demi Lovato.
Nakaligtas nga sa kamatayan ang singer at ngayon ay maayos at mapayapa ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.
Simula noong makalabas siya ng rehab center, naging aktibo siya kasama ang kanyang pamilya nitong nakaraang Pasko. Tumulong siya sa ilang activities tulad ng pagluto, pag-bake, at pag-decorate ng kanilang bahay.
Niregaluhan din niya ang kanyang buong pamilya dahil sa walang sawang pagsuporta sa kanya sa panahon na kailangan niya ang mga ito.