Miriam lalaki ang panganay!

Miriam Quiambao-Roberto

Five months na ang baby boy na ipinagbubuntis ni Miriam Quiambao-Roberto!

Kahapon ay ka-private message ko sa Facebook ang Miss Universe 1999 first runner-up at ikinuwento nga niya sa akin na noong Saturday ay nagkaroon sila ng gender reveal dinner event sa kanilang bahay.

Ipinadala pa ni Miriam sa akin ang video ng gender reveal party na ‘yon.

Earlier that day, nagpa-ultrasound pa si Miriam kasama ang mister na si Ardy Roberto. After that daw, nag-decide sila na magkaroon ng simple gender reveal party sa kanilang bahay para sa close fa­mily at tinanong nila ang mga bisita na magsuot ng pink or blue, depende sa gender na sa tingin nila ay ipinagbubuntis ni Miriam.

Ang sister-in-law lang daw ni Miriam na si Sharon, na siyang nag-organize ng event na ‘yon ang naka-yellow-green top.

Pinamili ng one pink and one blue marked egg sina Miriam at Ardy at pina-crack ‘yon sa noo nila at kung ano raw ang color ng egg, ‘yon ang gender ng kanilang baby.

“Practice lang pala! Hay naku, we were told that the eggs were hard boiled! ‘Yun pala all the eggs were soft boiled and non of those were hard boiled!

“Sharon brought out a couple more eggs that were the real eggs for reveal! We were supposed to find the raw egg,” sey ni Miriam.

‘Yung blue egg nga ang raw, kaya it’s a boy!

Pero sa palitan namin ng PM ni Miriam ay sinabi niyang, “I’ve been advised to have complete bed rest this week as I was found to have persistent uterine contractions & high level as of amniotic fluid.”

Sinabi ko na ipagdarasal ko siya, kaya nagpasalamat pa si Miriam at sinabing bed rest na nga siya.

Ticket sa At the Movies... ni Regine mabilis na dinumog!

Nakakatuwa ang balitang selling like hotcakes ang tickets para sa three-night Regine at the Mo­vies concert series ni Regine Velasquez-Alcasid na magsisimula ngayong Saturday sa New Frontier Theater sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Nagkakaubusan nga ng tickets, kaya dapat nang mag-check kaagad sa Tickenet outlets, tumawag sa 911-5555 o mag-check online tickenet.com.

Si Piolo Pascual ang guest ni Regine sa Saturday at si Sharon Cuneta naman sa November 24 at sa November 25 naman si Daniel Padilla.

After nga pala ng bashing sa kanya, ang tungkol sa Regine at the Movies na ng Asia’s Songbird ang pinag-uusapan.

More than 50 songs daw ang kakantahin ni Regine sa three night ng Regine at the Mo­vies, kaya ang bongga!

Dahil Kapamilya na nga si Regine, ang media partner ay ABS-CBN at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental at major sponsor naman ang Jollibee at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services at Ryu Ramen.

Jose Mari Chan mangangaroling bago mag-Christmas!

Alam mo, Ateng Salve, kapag magki-Christ­mas na, sobrang uso ng Christmas songs ni Jose Mari Chan!

Isa nga siya sa nangungunang local singers natin pagdating sa Christmas songs!

Sa December 22 nga, may Going Home to Christmas concert si Jose Mari sa The Theater ng Solaire kung saan special guest niya si Rita Daniela ng My Special Tatay afternoon drama series ng GMA-7.

Sabi ni Anna Puno ng StarMedia, ngayon pa lang daw ay marami na ang inquiries nila for tickets at marami na ang nagbibilihan sa TicketWorld (891-9999), kaya kung type n’yo rin mapanood si Jose Mari, buy na kayo!

For more details, check kayo sa www.starme­diaentertainment.com.

Show comments