Kobe ayaw na uling mahiwalay kay Jackie

Andre, Jackie at Kobe

MANILA, Philippines — Kahapon, May 13, araw ng linggo at Mother’s Day celebration, wala na sigurong pinakamasayang ina sa buong mundo kundi ang dating actress na si Jackie Forster. Common knowledge na maayos na ang relasyon ni Jackie sa kanyang mga anak kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe.

Nakaka-touch ang simpleng mensahe ni Kobe sa kanyang mama na naka-post sa kanyang Instagram account.

“Happy Mother’s Day to my best-friend, twin, shopping buddy, other half, super mom!! I have never felt so complete in my life. (If you know me, you’ll understand.)

“Being able to call you my mother is the best thing ever! I am so grateful that God has blessed me with the best mother in the whole universe.

“I just want to thank you for never giving up on me or kuya, for always fighting for us, and for always praying for our well being.

“You have the strongest heart, the most beautiful mind, the most charming personality, and the prettiest frickinnnnn face in the world!!!! (My momma is a damn beauty queen, man. Like for real for real).

“But anyways today is your special day and I just to say that I love you so damn much! I will never ever let you go. Ever.

“You’re my inspiration and my motivation, mama.

“Happy Mother’s day, ma!”

Kung anumang hirap ng loob at trials ang pinagdaanan ni Jackie ay nabalewala lahat  dahil mas ninanamnam at mas pinahahalagahan niya  ang mga bagong kaganapan sa kanyang buhay bilang isang ina ngayon.

Bihira mangyari mga anak at apo ni cheng muhlach nakumpleto

Kumpleto ang walong mga anak at mga apo, ibang malalapit na kaanak ng namayapang nakababatang kapatid ng retired movie queen na si Amalia Fuentes at Alex Muhlach na si Alvaro “Cheng” Muhlach sa unang gabi bago ang cremation nung gabi ng Sabado, May 12 sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City.

Ang bagong dating mula Greenland shooting sa balik-tambalan nila ni A­lice Dixson na si Aga Muhlach ay kasamang naroon ang wife na si Charlene Gonzales at ng kanilang twins na sina Atasha at Andres (16) maging ang panganay niyang anak (sa aktres na si Janice de Belen) na si Iggy Boy kasama ang wife nitong si Patricia Petil at tatlo nilang anak (mga apo sa tuhod ng yumao) na sina Adi, Alejandro Miguel at si Aya.  Naroon din ang panganay na anak ni Cheng na si Arlene Muhlach at pamilya nito, ang kanyang mister at dalawang anak. Naroon din si Albert Muhlach at wife nitong si Nikki at anak niyang si Dominique, si Almira with daughter, Arron (Barok) with wife na si Barbie Muhlach at baby nila. Naroon din ang iba pang mga anak ni Cheng na sina AJ, Andrea, at Andrew. 

Ang ironic dito, bihirang makumpleto ang mga anak at mga apo at iba pang malalapit na kaanak pero nangyari ito sa unang gabi ng kamatayan ni Cheng.

Nakarating din si Amalia bago i-cremate si Cheng. Iyak ito nang iyak at ayaw tingnan ang bunsong kapatid hanggang ipasok ito for cremation.  Si Nena (Amalia) ay sinamahan ng kanyang apo na si Alissa Martinez, bunsong anak ng yumao at kaisa-isang anak na si Liezl Sumilang-Martinez at mister nitong si Albert Martinez na nasa Amerika kasama ang anak na si Alfonso para bisitahan ang US-based niyang panganay na si Alyanna, asawa nitong si Roy Macam at first apo ni Albert na si Adalynn Riley.

 

Show comments