Nagbabakasyon pala sa Europe si Papa Roman Romulo at ang kanyang misis na si Shalani Soledad.
Wish ko lang, makatulong ang bakasyon ng mag-asawa sa Europe para magbunga na ang kanilang pagmamahalan.
Matagal nang kasal sina Papa Roman at Shalani pero hindi pa nabibiyayaan ng anak ang pagsasama nila.
Kung magbubuntis si Shalani, makukumpleto na ang happiness nila ni Papa Roman dahil anak na lang ang kulang.
Masuwerte ang magiging anak nina Papa Roman at Shalani dahil sure ako na magkakaroon siya ng bright future bilang mga responsible at God-fearing ang kanyang mga would-be-father and mother.
Jason suportado si Vicki sa pag-aalaga sa nanay at kapatid na may karamdaman
Bulag ang nanay at may kapatid na mentally-challenged si Vickie Rushton, ang girlfriend ni Jason Abalos na official candidate sa Bb. Pilipinas 2018.
Ang kalagayan ng mga mahal ni Vickie sa buhay ang isa sa mga dahilan kaya love na love siya ni Jason na suportado ang pag-join niya sa beauty pageant.
Tiniyak ni Jason na panonoorin niya ang coronation night ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum sa March 18 bilang suporta sa girlfriend niya.
Araw ng Linggo ang coronation ng Bb. Pilipinas kaya wala itong conflict sa three times a week na taping ni Jason para sa The One That Got Away ng GMA 7.
Ka Tunying nag-sorry kahit maraming kakampi
In fairness, may katwiran si Anthony Taberna sa sinabi nito na hindi dapat pumasok sa lungga ng mga tulisan ang 19-year old gang rape victim na naging dahilan para kuyugin siya ng mga basher.
Hindi naman sinisisi ni Ka Tunying ang biktima. Nag-remind lamang siya na dapat maging maingat ang mga kababaihan sa pakikipagkita sa kanilang mga chatmate dahil talagang mahirap magtiwala sa panahon ngayon.
Eh nakipag-inuman pa ang biktima kaya sinamantala ng mga kriminal ang kahinaan niya.
In fairness again, marami ang kampi kay Ka Tunying na sinusumbatan siya dahil sa paghingi niya ng paumanhin sa mga nasaktan sa kanyang komento.
Naglitanya sila na hindi dapat nag-sorry si Ka Tunying dahil may valid point ito na binigyan ng ibang meaning ng mga imbyerna sa kanya.
MTRCB employees done deal na ang health benefits
Malaki ang dapat ipagpasalamat ng MTRCB employees kay MTRCB Chair Rachel Arenas dahil done deal na ang partnership ng naturang government agency sa Chinese General Hospital.
Mabibigyan ng better health benefits ang mga empleyado ng MTRCB dahil positive ang resulta ng pakikipag-usap ni Mama Rachel sa management ng Chinese General Hospital.
Malaking bagay para sa MTRCB employees ang pagkakaroon ng health benefits at lahat nang ito ay dahil sa pagiging hard working at compassionate ni Mama Rachel na sanay na sanay sa pagtulong sa mga nangangailangan bilang dating house representative siya ng third district ng Pangasinan.
Minana ni Mama Rachel ang pagiging compassionate at matulungin mula sa kanyang prayerful mother, si Mrs. Rosemarie Arenas na kilalang philantropist.