Dating sex scandal ng aktor binuhay!

Magandang Christmas gift para sa aktor na ito ang muling pagkalat ng kanyang Internet scandal.

Isa ang naturang aktor sa mga naunang magkaroon ng scandal na photo pa lang noon at wala pang video. Teenager pa lang noon ang aktor ng mga panahong iyon.

Ang kumalat noon na scandalous photo ay ang kanyang pagkalalaki. Hindi naman kita ang mukha niya, pero may nagki-claim na siya iyon.

Pinabulaanan iyon ng aktor at sinabing hindi raw niya magagawa iyon.

Nagulat na lang daw ang aktor na may nagpadala sa kanya ng same photo and this time ay buong katawan na niya at kita pati ang mukha.

Kahit medyo madilim ay makikita ang mukha niya.

Ayon sa aming source, puro photo lang daw iyon dahil hindi pa uso ang HD camera noon.

“Very grainy ‘yung video ng scandal ng aktor. Sira-sira rin ang audio.

“Kung ginawa niya ngayon ‘yan, tiyak malinaw pati ang audio.

“Kaya makuntento na lang tayo sa picture. Kitang-kita naman na siya ‘yun nasa photo, ‘di ba?”

Dagdag pa ng source namin na ginawa raw iyon ng aktor dahil sa isang dare ng kanyang non-showbiz friend na subukan ang isang website na may mga babaeng mababayaran for online sex. Hindi naman daw inakala ng aktor na makukunan siya at ngayon muling binuhay ang scandal niya just in time for Christmas!

Gabbi pahinga muna kay Ruru

Hindi na lang daw pinapansin ng Kapuso teen actress na si Gabbi Garcia ang tsikang siya na raw ang paboritong talent ngayon ng GMA 7 kaya marami siyang projects at endorsements.

Kabilang na rito na 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Meant To Beh, ang pag-pinch hit niya sa Chika Minute ng 24 Oras at ngayon ay may sarili pa siyang online show sa GMA ONE Online Exclusives na #Goals with Gabbi Garcia kung saan magbibigay siya ng make-up tips at iba pang girl topics na eere na sa January 1, 2018.

Happy si Gabbi na nakakagawa siya ng ibang shows sa news and public affairs ng GMA 7 dahil ibang avenue naman daw ito para sa kanyang career.

“I’m happy to be working with the news and public affairs department ng Kapuso network. Sila ang the best sa industry na ito and I’m flattered na nabigyan tayo ng chance to do a show na makakatulong sa mga millennials na tulad namin.

“The online show #Goals is not just about beauty, kaartehan or pagpapa-cute, it’s also a place where we can be personal with one another, know your problems as teen sa mundong ito.

“I know that there are a lot of make-up tutorial shows on YouTube, pero like what I said, this it not just about make-up. It’s about dealing with your goals in life,” sey pa niya.

Proud nga raw ang ka-loveteam niyang si Ruru Madrid sa naa-achieve niya sa kanyang career. Pero next year ay hindi muna sila magkakasama sa teleserye.

“Yeah, he’s doing Sherlock, Jr. with Janine Gutierrez. Okey lang ‘yun kasi we also want to work with other actors. One year din kasi kami nagkasama sa Encantadia, so rest muna ang GabRu.

“But we will do a teleserye soon. Ako rin naman, may gagawin with different leading man,” pagtapos pa ni Gabbi na makakasama sa GMA ONE ay sina Atom Araullo ng #Adulting at si Joseph Morong ng Fact Or Fake.

Pakakasalan ni Prince Harry Itinanghal na Woman of the Year

Kasapi na ng Royal Family ang American actress na si Meghan Markle dahil nakasama na niya si Queen Elizabeth II sa annual pre-Christmas luncheon sa Bukingham Palace noong nakaraang December 20.

Nakunan nga si Meghan kasama si Prince Harry habang paparating sila sa lucheon. Suot ni Meghan ay black and white dress by the British brand Self Portrait, as well as diamond earrings by the Canadian company Birks. Si Prince Harry ay isang simpleng formal suit and tie ang suot.

Dumating din sina Prince William kasama si Princess Kate Middleton at ang kanilang mga anak na sina Prince George and Princess Charlotte.

Nakahalubilo rin ni Meghan ang iba pang members ng Royal Family na sina Duchess of Cornwall Camilla and Prince Charles, Princess Eugenie, Princess Beatrice, Princess and Prince Michael of Kent, and Princess Alexandra.

Naroon din si Katherine, Duchess of Kent and Prince Edward, Duke of Kent.

Every year ay nagdaraos ng luncheon ang Queen sa private estate nito na Sandringham Estate.

Nitong nakaraang week ay na-promote to Captain General Royal Marines si Prince Harry at si Meghan naman ay hinirang na Woman of the Year ng Hello! Magazine.

Nakatakdang ikasal ang dalawa sa May 19, 2018 sa St. George’s Chapel at Windsor Castle.

Show comments