Isa ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa magagaling na gumanap na bading sa TV. Kinaaaliwan ang kanyang gay character na si Roxie sa comedy series na Pepito Manaloto.
Kaya sa big screen naman niya ipapakita ang husay niya sa pag-arte bilang isang bading sa pamamagitan ng indie film na 4 Days kung saan kasama niya sa cast si Sebastian Castro. Mula naman ito sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.
Nagkaroon ng special screening ang 4 Day sa UP Film Institute noong nakaraang August 24.
Sa 4 Days, ginagampanan ni Mikoy si Mark, isang lalake na mahuhulog ang loob sa kanyang college roommate na si Derek played by Sebastian.
Sa naganap na forum, may miyembro ng audience na nagtanong kay Mikoy kung may nagbago ba sa kanyang pananaw sa LGBT community pagkatapos niyang gawin ang pelikula?
“Actually, wala, even before I did this film, I was really open to doing this kind of role.
“The reason why I enjoy doing gay roles is because it’s a social challenge. When people ask me if I’m really gay, it’s tempting to not answer the question kasi doing roles like this, it’s my way of telling society to stop labeling people and see them for what they do, who they are and not their sexual preference,” pagtatapos pa ni Mikoy na napapanood din na nagpapatawa sa gag show na Bubble Gang.
Xander Lee nag-throwback nung kasikatan sa Korea
Inalala ng South Korean actor at bida ng My Korean Jagiya ng GMA 7 na si Xander Lee ang kanyang simula sa K-Pop boyband na U-Kiss noong mag-celebrate ang naturang boyband ng ika-9th anniversary last August 28.
Pinost ni Xander sa kanyang Instagram ang iba’t ibang look niya noong nasa U-Kiss pa siya simula noong 2008.
Heto ang kanyang caption:
“My official debut began nine years ago today with U-KISS in 2008. Although most of the members have gone separate ways, I’m glad that most of us are settling quite well in our own ways. I’m always grateful for being part of U-KISS because that gave me the good memories and spartan experience that started the spark in me. And now, the spark has turned into a burning flame.”
Naalala din niya ang ginawa nilang concert dito sa Pilipinas noong 2010.
“Back then, our first concert was here in Manila. Who would have thought that after my departure, after so many years, I would still be surviving and would be back here for such a great project.
“Thank you everyone for supporting me all these years. It’s been a long way together, and I hope we make more good memories together too.”
Iniwan ni Xander ang U-Kiss noong 2011 at nagkaroon siya ng sariling career sa South Korea bilang model, singer, TV host, radio host at aktor.
Ngayon ay leading man siya ni Heart Evangelista primetime teleserye ng GMA 7.
Hollywood comedian na si Kevin Hart nanghihingi ng tulong para sa mga binaha
Dahil sa grabeng sitwasyon ngayon ng maraming tao sa Houston, Texas dahil sa Hurricane Harvey, nagsimula ng isang relief challenge ang Hollywood comedian na si Kevin Hart para matulungan nila ang American Red Cross na siyang magbibigay ng tulong sa maraming biktima ng hurricane.
Nag-post si Hart sa kanyang Instagram ng kanyang challenge sa lahat ng kanyang kaibigan, lalo na ang mga celebrities, na maging seryoso na sila sa pagkakataong ito dahil panahon na para tumulong at sumagip ng buhay.
Nagsimula si Hart na mag-donate ng $25,000 sa American Red Cross at inuudyok niya ang lahat na magbigay ng same amount or any amount para matulungan ang maraming tao sa Houston.
Sa latest news, under 50 inches of water na ang ilang lugar sa Houston at marami na ang homeless at walang kuryente. Marami na rin ang stranded sa kanilang mga bubong at naghihintay ng rescue dahil ilang araw na silang walang pagkain at malinis na tubig.