Matteo inggit sa PDA nina Kathryn at Daniel!

Napabilib si Matteo Guidicelli sa bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Can’t Help Falling in Love kung saan kasama rin siya sa cast bilang third party ng KathNiel.

Magical ang description ni Matteo sa isang interview sa kabuan ng movie nila ng KathNiel. Pati raw siya ay nahahawa sa good vibes na dala ng dalawa.

Feeling young din si Matteo dahil kahit walang kamera ay napapangiti tuwing nakikita sina Kathryn at Daniel na sobrang sweet sa isa’t isa.

Kulang na lang sabihin ni Matteo na naiinggit siya kina Daniel at Kathryn na open sa lambingan kahit sa harap ng maraming tao lalo na sa kani-kanilang pamilya.

Common knowledge kasi na tahimik at maingat si Matteo pagdating sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo. Hindi siya nagpo-post ng picture nilang magkasama. Lumalabas lamang ang pictures nila together na kuha pa ng fans o di kaya ng malalapit nilang kaibigan o kamag-anak.

Para nga naman hindi siya ma-bad shot sa parents ni Sarah. Hindi nga lang silang kasing sweet tulad ng KathNiel on and off cam ay hindi nagtatago sa parents nila o sa publiko.

Samantala, sa katatapos na birthday ni Matteo last March, wish nito ang  more blessings sa kanyang career workwise, mag-grow, at magkaroon ng wisdom.

Show comments