Aksyon ni Kupido

Ang puso ko’y pusong-puso

Ngayong araw ng pag-ibig

Pag-ibig ko’y tanging sayo

Pagka’t ito’y hanggang langit

Marami ang mga pusong

Sa iyo ay nagnanais

Ngunit tanging ako lamang

Ang tapat na umiibig

 

Posible nga at maaring

Akala mo’y hindi tunay

pagmamahal na sa iyo’y

Tanging sa’yo’y aking alay

Ang dibdib ko ay buksan mo

At may dugong bumubukal

Na sa ibang mga puso’y

Tanging ako ang may taglay

Show comments