Halos dalawang taon din palang nagtagal sa himpapawid ang malapit nang magpaalam (two weeks na lang) na afternoon series na Doble Kara.
No wonder, aminado ang cast and staff ng production na malaki ang naitulong sa kanila ng Doble Kara financially.
Lalo na si Julia Montes, na gumaganap na kambal sa said series dahil she earned for herself the title Daytime Drama Queen. Nakapagpatayo pa siya ng isang bahay sa Quezon City, bukod sa isa pang bahay sa Antipolo, Rizal.
Naipasok din niya ang kanyang mga kapatid sa magandang schools.
Bonus na rin para kay Julia na dahil din sa Doble Kara kaya niya nahanap ang kanyang German dad na kanyang nakasama last Christmas.
In March, Julia will turn 21. At pangako niya sa sarili na kung hindi siya busy, siya naman ang dadalaw sa ama sa Germany.
EA natupad din ang pangarap
Hindi man daw natupad ni Edgar Allan Guzman ang balak niyang maipagpatayo ng bahay ang kanyang ina at mga kapatid, may nabili naman daw siyang lupa sa Pasig City.
Ito raw ay dahil din sa pagganap niya sa Doble Kara.
Ngayong taon balak ni Edgar Allan na magpatayo ng bahay.
In the case of John Lapus, sa halip na hulugan niya ng five years ang loan niya sa bangko para maipatayo ang kanyang bahay, heto at in a year’s time raw, God willing kapag nagka-trabaho siyang muli in a series na magtatagal din, ay mababayaran na niya ang kanyang utang ng buo.
Iba naman ang lungkot na nararamdaman ni Mylene Dizon sa pagtatapos ng series dahil mula day one ay kasali siya rito.
Sobrang naging malapit daw siya hindi lang sa co-stars niya, kung hindi maging sa lahat ng invoved sa produksiyon, maging ang utility boys.
Pero siyempre, ang pinakamami-miss daw niya ay si Julia na gumaganap na kanyang anak.
Pangalawang beses na palang gumanap si Mylene na ina ni Julia dahil anak din daw niya ito sa Mara Clara.
Maxene, iba ang ‘tama’ kay Sam
“In any case ho,” ani naman ni Maxene Magalona, “hindi ko makakalimutan na ang Doble Kara ang nagbukas ng pintuan para sa akin, para matuklasan ko mismo na effective pala akong kotrabida.”
Masaya raw siyang nakatrabaho niya ang lahat ng nabanggit especially daw si Sam Milby, na pumapapel bilang kanyang elder brother.
“Ang bait niya,” sey ni Maxene kay Sam, “sana, I get to work with him again. And, of course, the other members of the cast.”