Kabilang sa mga nagtatanggol kay Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina ay ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida.
Ayon pa sa naging 3rd runner-up sa 2013 Miss Universe, pinapayuhan niya si Maxine na huwag na lang pansinin ang mga basher niya sa social media.
Bina-bash kasi si Maxine dahil disappointing daw ang pag-i-English nito sa mga interview.
Paano raw ito makakasagot sa preliminary Q & A portion kung hindi raw nito mai-express ang sarili sa wikang Ingles ng maayos.
“Feeling ko part na talaga ang bashing ‘pag lalaban ka.
“During my time, bago ako mag-fly to Moscow, I had this one interview na talagang doon din ako na-bash.
“Sobrang excited ko na, pero ‘yon ‘yong nagpababa ng loob ko,” pag-alala pa ni Ariella.
Pero ayon pa rin sa former beauty queen, wala naman daw masama kung ang mga future Miss Philippines ay magsasalita sa ating lengguwahe na Tagalog.
Kung ang ibang bansa raw ay ginagamit ang native language nila, wala raw masama kung magta-Tagalog ang ating Philippine representative para naman marinig ng buong mundo ang Tagalog language.
“Sana there will be a time na makapagsalita tayo sa sariling wika natin. Tapos lahat ng tao sa buong mundo—buong universe—naririnig nila ‘yong native language,” diin pa ni Ariella.
Inamin din ni Ariella na during the time na nakikipag-compete siya sa 2013 Miss Universe, inisip na niyang mag-Tagalog sa Q & A portion. Pero hindi niya tinuloy ang kanyang balak dahil may nagdesisyon daw para sa kanya.
“At the end of the day, may mga kailangan ka talagang sundin na rules.
“Kasi hindi naman po sa amin ang decision, even if we really want to do it. Mayroon pa ring nagde-decide for us,” pagtapos pa ni Ariella Arida.
Rita ginanahang magsulat pa ng libro dahil sa mga papuri ng Monsignor ng Vatican
Bukod sa kanyang pag-arte sa TV at pelikula, pinagkakaabalahan din ng aktres na si Rita Avila ang pagsusulat ng mga libro.
Binalita pa ng 48-year old na may bago siyang libro na ire-release sa taong ito.
“Sobra kong nae-enjoy ang magsulat ng libro.
“Overflowing kasi ang mga ideas na gusto nating ilabas through words. Kaya parang hindi ako puwedeng mag-stop.
“Kailangan i-share ko siya sa maraming tao. Kaya in my free time kapag wala akong taping, nakaharap ako sa pagsulat ng libro.
“It’s nice to know that my books can inspire kahit isa o dalawang tao lang.”
Kabilang sa mga nailabas nang mga libro ni Rita ay ang inspirational booklet na 8 Ways To Comfort With Grace na tungkol sa malungkot na chapter ng buhay ni Rita at ng mister niyang si Erick Reyes noong pumanaw ang three-week old baby boy nila na si Elia Jesu Reyes.
Pangalawa ay ang children’s book na Si Erik Tutpik At Si Ana Taba na tungkol naman sa mga batang nakakaranas ng bullying.
Pangatlo ay ang children’s book na Invisible Wings na nagkaroon ng coloring book version. Tungkol naman sa mga anghel ang librong ito.
At noong nakaraang September 2016 ay ni-launch ang unang novel ni Rita title Wanna Bet On Love.
Dalawa sa sinulat na libro ni Rita ay nakatanggap ng letter mula kay Monsignor Peter B. Wells, isang official ng Vatican Secretariat of State at pinuri nito ang positive message ng mga libro niyang The Invisible Wings at 8 Ways to Comfort with Grace.
“Dahil sa natanggap ko ngang letter from Monsignor Peter Wells, lalo akong naganahan to write more books.
“Patunay lang na may nilalaman ang mga bawat words na sinusulat ko. It means something sa mga taong nakakabasa nito.
“Kaya this year, I’m going to release part two of The Invisible Wings. Marami kasi ang natuwa sa children’s book ko na ‘yan,” pagtapos pa ni Rita Avila na kasama sa pelikulang Tatlong Bibe.
Anak ni MJ uminit ang ulo kay Joseph Fiennes
Hindi nagustuhan ng anak ng yumaong King of Pop Michael Jackson na si Paris Jackson ang pagganap ng British actor na si Joseph Fiennes sa kanyang ama sa series na Urban Myths.
Para raw kasing ginawa nilang katawa-tawa si Michael Jackson sa naturang series kung saan kasama nito sina Elizabeth Taylor (played by Stockard Channing) at Marlon Brando (played by Brian Cox).
Produced ang Urban Myths ng Sky Arts na ang purpose ng kanilang pag-produce ng show ay “to explore real-life stories involving well-known figures, using a generous dose of artistic license.”
Nag-tweet si Paris pagkatapos niyang mapanood ang trailer ng naturang series.
“I am incredibly offended by it, as i’m sure plenty of people are as well, and it honestly makes me want to vomit. It angers me to see how obviously intentional it was for them to be this insulting, not just towards my father, but my godmother Liz as well.”