MANILA, Philippines – Nanguna sa biyahe ngayong buwan ng Nobyembre ang mga natatanging documentaries ng ABS-CBN News and Current Affairs sa Jeepney TV kabilang na ang pinag-usapang pagbabalik ng mga kuwento ng katatakutan ni Noli De Castro sa Kabayan Special Report: Kababalaghan.
Muling natunghayan si Kabayan sa rerun ng inabangang dokyumentaryong nagdala ng takot at kilabot noong Halloween na siguradong magpapatindig muli sa balahibo ng bawat manonood.
Maliban naman sa kuwento ng kababalaghan, mapapanood din ngayong buwan ang Muling Buksan ang Puso, na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee simula November 14. Samantala, isang espesyal na tugtugan naman ang hatid ng Para sa Bayan: Ryan Ryan Musikahan na magpapaindak sa mga manonood ngayong November 26.
Hindi rin naman pahuhuli ang mga aksyon sa Biyaheng Retro: Action Heroes kung saan mas makikilala ng lahat ang Pinoy action icons gaya nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, Coco Martin, at iba pang magagaling na action stars na ipapalabas ngayong November 20.
Bukod sa drama at aksyon, dapat ding abangan sa Jeepney TV ang ilan sa mga dokyumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs. Isa na nga rito ang award-winning documentary na Mukha, ang kuwento ng pagsisikap at pag-asa ng isang sand diver mula Davao na ipapalabas ngayong November 20. At ngayon namang November 27, samahan si Atom Araullo sa kanyang paglalakbay mula Malabon hanggang Norway upang talakayin ang lumalalang issue ng global warming sa Best TV Special ng 38th Catholic Mass Media Awards na Warmer.
Balikan ang mga masasayang tagpo ng mga pinkapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.