‘Di na papipigil Coco niregaluhan ng mamahaling sasakyan si Julia?!

MANILA, Philippines – Wala na talagang makakapigil sa pag-iibigan nina Coco Martin at Julia Montes. Hindi na nila maitago ang inililihim na relasyon dahil sumambulat ito noong lumayas ang dalaga sa nangangalaga ng kanyang career na Star Magic at lumipat sa Cornerstone. Napakahirap kasing sitwasyon na kailangan itago ang pagmamahalan ng dalawa.

At binigyan pala ni Coco si Julia ng mamahaling sasakyan, na isang malaking pruweba na talagang nagmamahalan sila.

Subalit sa kanilang pag-iibigan ay mahahalatang may isang kaluluwang kumokontra sa kanila. Noong umalis si Julia sa Star Magic ay ramdam na ramdam na agad ang pagkasira sa imahe ng dalaga.

Kung anu-anong mga balitang ibinabato kay Julia Montes na wala namang kasiguraduhan. Kung paano ito malalabanan ay isang malaking palaisipan. Ang mahalaga ay mapantayan dapat ng Cornerstone ang mga biyayang naibigay ng Star Magic kay Julia.

Nagsakripisyo si Julia na lumipat dahil parang suffocated na raw ito sa mga nangyayari. Magaling na artista si Julia at dapat ay mabigyan siya ng magandang project. 

                               

Show comments