Jackie Lou nakalimutan na kung bakit sila naghiwalay ni Ricky

Sinagasaan ni Ginebra import Justin Brownlee si Cliff Hodge ng Meralco sa Game Two kagabi.
Kuha ni Jun Mendoza

Nagpapasalamat si Jackie Lou Blanco na hindi pa uso ang social media noong maghiwalay sila ng mister niyang si Ricky Davao.

Naging tahimik at hindi pinagpistahan ang paghihiwalay nila noon at ngayon nga ay good friends na sila.

Kung nangyari raw ‘yan ngayon, tiyak na magiging laman sila ng mga usapin sa social media.

“Sa totoo lang, hindi ko na nga maalala why we separated?” sabay tawa pa ni Jackie.

“But what I truly remember is that we ended up as good friends.

“‘Yun naman ang tama, ‘di ba? We had three kids and may apo na kami. Hindi kami bagay na nag-aaway tulad ng mga couples na naghihiwalay ngayon.

“Hindi kami bagay na nag-aaway tulad ng mga couples na naghihiwalay ngayon.

“Nakaka-bother minsan na kapag nagkahiwalay ngayon, nagkakaroon ng sagutan at palitan ng hindi magagandang salita over social media.

“Tuloy marami ang nakikisali sa problema ninyo.

“I am thankful na walang ganyan during our marriage. Noong maghiwalay naman kami ni Ricky, it was a quiet separation. Ayaw naming may madamay sa nangyayari sa aming dalawa,” diin pa niya.

Kasama si Jackie sa cast ng GMA primetime teleserye na Someone To Watch Over Me kung saan bida sina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins.

Tom hindi na kering sumabay sa energy ni Balang

Natutuwa si Tom Rodriguez sa YouTube sensation na si John Philip “Balang” Bughaw dahil sa husay nitong sumayaw.

Hindi nga raw siya makasabay sa pagsayaw nito dahil malambot ang katawan ng bata at maraming dance movements na alam gawin.

“Grabe ang energy ni Balang. Kahit na galing pa ‘yan school sa Cavite, pagdating sa set ng show naming #LIKE ay ang liksi pa rin niya,” ngiti pa ni Tom.

Tatlong beses lang naman na nag-guest si Balang sa show ni Ellen DeGeneres na Ellen at naimbitahan na siya sa ilang mga Zumba conventions sa Amerika.

Pero kahit na sobrang busy si Balang dahil sa mga shows na Magkaibang Mundo at #LIKE, hindi pa rin niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.

Brazilian na si Gisele Bundchen pinakamayang model!

Ang Brazilian supermodel na si Gisele Bundchen ang humahawak pa rin sa titulo bilang “highest-paid model in the world”.

May annual income si Gisele na $30.5 million dahil sa endorsement deals niya with big fashion brands tulad ng Chanel, Carolina Herrera at consumer products tulad ng Pantene.

Kelan lang ay isa si Gisele sa celebrities na nag-open ng 2016 Rio Olympics sa kanyang hometown sa Brazil.

In second place with earning of  $10.5 million ay ang kapwa Brazilian ni Gisele na si Adriana Lima.

Ang Victoria’s Secret model ay may big campaign for Maybelline and IWC watches.

Pangatlo ay si Kendall Jenner na may earnings na $10 million dahil sa pag-endorse niya ng brands na Estee Lauder and Calvin Klein.

Ka-tie ni Kendall sa 3rd spot ay ang supermodel na si Karlie Kloss na may kita rin na $10 million dahil sa mga numerous campaigns niya.

Kasama sa Top 5 ay si Gigi Hadid na top endoser ng Maybelline at Tommy Hilfiger.

Show comments