Chemistry nabuo raw sa Japan Janella umaming natutunaw sa mga titig ni Elmo!

Inamin nina Elmo Magalona at Janella Salvador na kinilig din sila sa kanilang mga eksena sa Born For You nang mapanood ang kabuuan ng pilot week sa ginanap na Red Strings Premiere night nito kamakailan.

Kwento ni Janella, panay daw ang hampas niya kay Elmo habang nanonood sila. Ang pinakapaborito raw nilang eksena ay ‘yung scene na nagkabanggaan sila sa Shibuya Crossing sa Japan.

“Ilang beses naming ginawa ‘yun, tapos when we were able to watch it, pati kami kinikilig,” sabi ni Janella sa grand presscon held last Tuesday.

Kuwento ni Elmo, “Nu’ng sinu-shoot namin ‘yun, parang it’s so surreal that I was doing a scene sa Shibuya crossing, sa street. And wala naman akong inhibitions when I was doing the scene and pagkabangga ko kay Janella, I felt like ‘yung hindi siya ac­ting, like it’s something natural. Kaya nga po nung pinanood namin, ako kinilig din ako.”

Walang dudang napakalakas ng chemistry ng ElNella loveteam at kitang-kita na agad ito sa pilot week. Halos lahat ng nakapanood sa special screening ay nagsasabing napaka-promising ng loveteam at hinuhulaan nang magiging successful ngayon pa lang.

Paano nga ba nila nabuo ang malakas na chemistry nila?

“We underwent workshops naman po para talagang maging open kami sa isa’t isa. Pero Janella naman isn’t hard to approach. And ‘yun, mas nakilala ko po siya nung nagsu-shoot kami sa Japan,” sabi ni Elmo.

Say naman ni Janella, “actually, the opportunity to become close came talaga nu’ng nag-Japan kami. Nakapag-bond kami ng maraming beses du’n. Saka matagal kaming nagkasama. Siyempre 10 days kaming nagkasama du’n. So, we got to know each o­ther more nu’ng nag-Japan kami. Du’n siguro nabuo ‘yung chemistry namin.”

Inamin din ni Elmo na nahirapan siya sa mga kilig scenes nila ni Janella, especially sa mga titigan scenes nila.

“Okay, I admit, minsan, nahihirapan ako to do scenes with Janella especially kapag tinginan, kasi you tend to stare at her talaga. Parang mahirap matapos ‘yung scene nang maayos,” sey ni Elmo.

Sa totoo lang, may nakikita kaming attraction sa isa’t isa sa dalawang bagets dahil kung wala, hindi naman nila magagawa nang maayos ang mga kilig scenes nila at hindi magiging ganun kalakas ang chemistry. Sa mga titig pa lang ni Elmo kay Janella sa mga eksena nila, parang matutunaw ka talaga at say nga ng young actress, natunaw naman siya talaga.

Hmm, maging team real din kaya ang ElNella loveteam? Yan ang 1 million dollar question coz as we all know, may real life girlfriend si Elmo, ang Kapuso star na si Jannine Gutierrez.

Boss Vic pinasok na rin ang beauty pageants

Pinasok na rin ni Viva big boss Vic del Rosario ang mundo ng beauty pageants dahil sila na ni Cory Quirino of CQ Global Quest ang mamamahala ng Miss World Philippines.

Ibinigay ng Miss World Limited kina Cory and boss Vic ang exclusive right to run the pageant’s Philippine competition.

“The partnership with Viva has never been timely. We need to up the stage for our Filipinas and we need a reliable partner,” pahayag ni Cory.

Ayon pa kay Cory, gusto raw nilang makuha ulit ang crown at alam niyang with a formidable partner like Viva, positibo raw siyang mangyayari ito.

Matatandaang in 2013 ay nasungkit natin ang Miss World crown nang ma­nalo si Megan Young sa ilalim ng pamumuno ni Cory.

“We want to win the crown again and I know that we will. Ang with our partnership with Viva, with boss Vic and all the talent and experience, and the resource behind Viva, we know that we can ably and successfully find our next Miss World,” she said.

Nang matanong naman si boss Vic kung ano ang nagbunsod sa kanya para pasuking ang beauty pageants, aniya ay gusto raw niyang makatulong at suportahan ang ating mga beauty queens and at the same time, para makapag-develop din ng iba pang mga artists ang kanilang produksyon.

“It’s the synergy to find more artists that we can develop, either through hos­ting or singing or acting, or modeling. We would want to give more jobs beyond the contest and eventually, you know, for Viva also to make money from the artists,” diretsong sabi ni Boss Vic na ikinatawa ng lahat.

Hindi pa raw alam kung saang network ieere ang pageant na gaganapin sa November and for now, naka-focus pa sila sa search na nagsimula na.

Show comments