Kaabang-abang ang bagong series sa TV5, ang Ang Panday na isa sa pinaka-hit movie ng yumaong FPJ at ngayon, bibigyang-buhay muli ni Richard Gutierrez. Obra ito ng nag-iisang Komiks King na si Carlo J. Caparas
Isa din ito sa hinulaang magiging blockbuster TV show this 2016 na mapapanood na sa February 29, produced ng Viva Communications, Inc. at TV5.
Take note, may posibilidad na lahat ng mga blockbuster movie ni Direk Carlo ay masalin sa TV screen ha!
Naalaala ko tuloy ‘yung kuwento ng isang taong konektado sa mga komiks na sinusulatan ni Direk Carlo, siya raw kasi ang most in demand na komiks writer, na sa rami ng mga komiks published ng iisang sikat na publication, lahat ng komiks ay may nobela si Direk Carlo, worried daw ang mga editor kapag walang dumarating na sinulat niya.
Pinapi-pick up pa sa mga messenger. Highest paid writer nga raw siya, kahit matapang sa anyo at palaban, kapag collection na sa kahera, lahat ng mga dehista, contributors, staff, utility at iba pa, may free snack sa kanya, super bait pala niya talaga kahit noon pa!
Kaya siguro hindi siya binitawan ni Madam Donna V. Yehey!
Maraming salamat…
Gusto kong magpasalamat sa mga traffic enforcer sa gitna ng mataong siyudad, magagalang sila at may respeto sa mga nasa pedestrian lanes, specially sa mga senior citizen.
Hats off po kami sa inyo. Ganoon din sa BUCOR Police Enforcers. Aba, nakita ko sa desk nila ang kopya ng PM at Pilipino Star NGAYON na binabasa ni Officer Daniel D. Duaya, at ng mga kasama niya na siyang namamahala sa mga taong pumapasok sa Gate 4 ng BUCOR.
Salamat po, mga kabayan!